Mga Punong Tampok ng Tuntunin ng Serbisyo
Sa Google kinikilala namin na mahalagang malaman ang iyong mga ligal na karapatan at mga pananagutan, kabilang kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo at produkto. Babaybayin namin ang mga karapatan at pananagutang iyon sa aming mga Tuntunin ng Serbisyo.Dapat mong basahin ang mga Tuntunin. Talaga. Alam din namin na ang mga dokumentong ligal ay maaaring maging nakababagot at maaaring hindi mo parating gawin ang “dapat.” Kaya, sinubukan naming ibigay sa iyo ang mga pangunahing kaalaman dito.
Tandaan, ang mga Tuntuninay ang iyong mga sinasang-ayunan kapag nagpatala ka o gumamit ng Serbisyo ng Google at ang buod na ito ay hindi isang pamalit sa pagbabasa mismo nang aktwal na mga tuntunin. Ignorantia legis neminem excusat at lahat ng iyon.
SaklawAng paunawang ito ay naghahandog ng mga punong tampok ng kabuuan ng mga Tuntunin ng Serbisyong Google, kung saan inilalarawan nang detalyado ang mga tuntunin na lalapat sa paggamit ng mga produkto, serbisyo at website (pinagsamasama, “mga serbisyo” ng Google) ng Google sa buong mundo. Makakakuha ka din ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga legal na tuntunin para sa tiyak na mga serbisyo ng Google sa navigation bar sa kaliwa ng paunawang ito.
Ang iyong kaugnayan sa Google- Sa tuwing gagamitin mo ang aming mga serbisyo ito ay nasailalim ng mga tuntunin ng legal na kontrata sa Google.
- Ang kontratang ito ay binubuo ng mga Tuntunin ng Paggamit at ng mga Paunawang Legal para sa mga serbisyo na iyong ginagamit.
- Kami ay gagawa ng anumang karagdagang mga Paunawang Legal na makukuha mo kapag nagpatala ka para sa nasabing serbisyo para malaman mo na sila ay ipapataw.
- Kung ikaw ay gagawa ng kalokohan, maaari naming tapusin ang aming kasunduan sa iyo. Maaaring ito ay maging sanhi na hindi mo na magagamit ang ilan o lahat ng aming mga serbisyo. Huwag mong sabihing hindi ka nabalaan.
- Maaari din kaming magpasya na itigil ang pagbibigay ng mga serbisyo sa iyo. Bagaman hindi namin planong itigil ang anumang serbisyo, inilaan namin ang karapatan na
- Maaari mong tapusin ang iyong kasunduan sa amin sa anumang oras sa pamamagitan ng pagsara ng iyong account para sa mga serbisyo na iyong ginagamit. Magsisisi kaming makita kang umalis, ngunit maaari kang bumalik anumang oras!
- Tandaan na kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo, ikaw ay mananatiling mananagot para sa iyong sariling pag-uugali at mga aksyon, at para sa anumang nilalaman na iyong naisumite sa amin.
- Sa pangkalahatan, ang aming mga serbisyo ay para lamang sa iyong pangpersonal na gamit. Kung gusto mong mamahaging muli ng serbisyo, kopyahin ito, ibenta ito o anumang bagay dapat mo munang hingin ang aming inihayag na pahintulot.
- Ito’y pananagutan mong pangalagaan ang seguridad ng iyong account at mga password. Ang mga aktibidad na nangyayari sa iyong account ay iyong mga pananagutan.
- Ang Google ay hindi nagpapahayag ng anumang mga karapatang pagmamay-ari sa iyong nilalaman. Kung ano ang mga nauukol sa iyo, ay mananatiling iyo.
- Kinakailangan namin na ibigay mo sa amin ang lisensya sa nilalaman na iyong ipinaskil upang mai-host namin ito at, kung hihilingin mo sa amin, na gawing mapupuntahan ng iba.
- Ang mga nilalaman sa aming mga serbisyo ay kadalasa’y hindi sa amin. Maaaring hindi namin mamatyagan kung ano ang hino-host o nili-link namin, bagaman sa ilang mga limitadong kaso maaaring gawin namin. Huwag magtaka kung makakita ka nang ilang bagay na hindi mo gusto. Maaaring lagi mong sabihin sa amin ang tungkol dito o itigil ang pagtingin.
- Palagi naming binabago at pinabubuti ang aming mga serbisyo. Kung ikaw ay takot sa pagbabago, hindi ito ang lugar para sa iyo.
- Inaasahan namin na masisiyahan kang gamitin ang aming mga serbisyo, ngunit hindi kami gumagawa ng anumang mga tiyak na pangako tungkol sa mga ito na gagawa nang himala para sa iyo, o ang tungkol sa kanilang pagkamaaasahan o pagkamagagamit.
- Ang ilang mga serbisyo ay naglalaman ng sikretong sarsa. Ang sikretong sarsa ay dapat na manatiling sikreto. Mangyaring huwag ibunyag ang aming kumpidensyal na impormasyon
- Ang Google ay hindi mananagot sa mga bagay na maaaring mangyari sa iyo bilang kinahinatnan ng iyong paggamit ng aming mga serbsiyo. Sa kasamaang-palad, ang lahat ng bagay sa buhay ay mayroong ilang peligro. Sa palagay namin ang mga benepisyo ay kapakipakinabang.

