Google

Tumaas ang benta sa online ng Discount Tire nang 14% sa unang linggo ng paggamit ng Google Analytics.

Negosyo

Nagbibigay ang Discount Tire sa mga tao ng malawak na variety ng mga pagpipilian at mabababang presyo para sa mga gulong at goma, sa mga lokaysong tingian man o para sa pagbili sa Internet. Nagnenegosyo nang may 40 taon na, ang Discount Tire ay ang pinakamalaking malayang tagabenta ng gulong sa bansa, na may 600 tindahang nagbebenta lamang ng mga gulong at goma.

"Mas madaling ipatupad ang Google Analytics kaysa sa iba pang mga produkto ng web analytics na sinubukan namin. Halos wala itong gastos at hindi gumugugol ng oras upang maipatupad at mapanatili, at maaaring mabago agad-agad ang mga layunin at funnel."
Travis Unwin
Managing Director

Diskarte

Bukod pa sa mga tindahang tingian, nagiging isa sa pinakamatagumpay na channel sa pagbenta ng Discount Tire ang Internet. Maaaring subukan ng mga mamimili sa online ang mga gulong nang virtual, tingnan kung ano ang magiging hitsura ng mga gulong sa mga partikular na sasakyan gamit ang isang Interactive Wheel System. Makakatipid rin sila ng oras at pera sa pamamagitan ng pag-order ng mga gulong o goma nang hindi nagbabayad para sa pagpapadala, o sa pamamagitan ng pagbili ng mga gulong at pagtatakda ng mga usapan para sa paglalagay sa kanilang lokal na tindahan-sa online lahat. Nang magkasama, ang Internet at mga tindahang tingian ay nagpapasok ng $2 bilyon na benta sa pamamagitan ng mga pagpapatakbo sa 18 estado.

Ang paghimok ng mga kwalipikadong mamimili sa website para sa direktang pagbenta at ang paghihikayat ng mas maraming mamimili sa mga lokal na tindahan ay mahahalagang layunin para sa Discount Tire. Mahalaga ang mga kampanya sa advertising na nakabatay sa paghahanap ng Google AdWordsTM sa pagkamit ng mga layuning ito. Partikular na epektibo ang AdWords dahil sa kakayahan nitong mag-target ng mga lokal na customer gamit ang mga panrehiyon at napapanahong pagpapadala ng mensahe, ngunit walang kampanya ang hindi nasusukat.

"Mahalaga sa aming tagumpay ang mga ulat ng funnel sa Google Analytics. Patuloy kaming nagsusumikap na mapabuti ang karanasan ng user. Binibigyan kami ng Google Analytics ng pananaw na kailangan namin upang mabilis na makita kung anong hakbang sa proseso ng pagbebenta sa online ang putol upang maayos namin ito agad."

Bilang isang kumpanyang nakatutok sa mga resulta, ang Discount Tire ay nakatuon sa mga sukatan. May full-time na analyst ng mga sukatan ang kumpanya at gumagamit ng mga tool sa web analytics upang masukat ang pagiging epektibo ng lahat ng mga pagsisikap nito sa marketing na nakabatay sa Internet, kasama ang AdWords. "Nagamit namin ang lahat mula sa pagsusuri ng log file hanggang sa pagsubaybay ng cookie at pag-tag ng pixel upang masukat ang pagiging epektibo ng aming website at ng advertising sa Internet. Sa kasamaang palad, may mga pangunahing pagkukulang ang lahat ng mga ito," sabi ni Travis Unwin, Managing Director para sa Blue Ribbon Consulting, ang ahensya sa online marketing ng Discount Tire.

Mga Resulta – Mabilis na pagsisimula, murang maintenance

"Ang advertising na nakabatay sa paghahanap, partikular na ang Adwords, ay ang siyang saligan ng aming diskarte at bahaging patuloy naming binabalak na palaguin."
Travis Unwin
Managing Director

Ayon kay Unwin at Bolland, ang Google Analytics ay madaling ipatupad, halos hindi nangangailangan ng pag-customize, at nagbibigay ng masususing sukatang kailangan ng kumpanya agad-agad. Ang pangunahing paraan ng paghimok ng trapiko sa website ay ang advertising na nakatutok sa keyword at nakabatay sa paghahanap. Nagbigay ang Google Analytics ng madaling pagsasama-sama sa mga kampanya sa AdWords para sa tumpak na pagsusukat ng mga resulta, pati na rin ang kakayahang ma-tag ang mga destination URL ng keyword sa isang click sa button. Madaling nagse-set up ang koponan ng Discount Tire ng mga conversion funnel at layunin sa loob ng Google Analytics, sa halip na magdagdag ng iba-ibang tag sa mga pahina sa website-isang pangunahing bentahe sa pagmementina ng pabagu-bagong site ng kumpanya nang hindi nauubos ang mga mapagkukunan sa IT.

"Ang Google Analytics ay lubhang mas madaling ipatupad kaysa sa iba pang mga produkto ng web analytics na sinubukan namin," ayon kay Unwin. "Halos wala itong gastos at mabilis lang na maipatupad at mapanatili at ang mga layunin at funnel ay maaaring mapalitan agad-agad."

Na-streamline na disenyo ng site

Mula noong ipinatupad ang Google Analytics, masusubaybayan ng Discount Tire ang mga kampanya ng marketing nang mas detalyado, hanggang sa return on investment mula sa mga tukoy na produkto. Masusukat din ng koponan ang mga kaugalian sa pamimili ng bawat customer gamit ang conversion ng funnel at mga tampok sa overlay ng site. Nagbibigay din ang Google Analytics ng naaaksyunang impormasyon sa nabigasyon ng site. Sinusubaybayan ni Bolland at Unwin ang nangungunang 10 access point papunta sa anumang web page, at sinusundan kung saan nagpupunta ang mga customer mula sa mga puntong ito upang makatulong sa pagpapahusay ng pakikipag-ugnayan sa customer sa site.

Noong Hulyo 2005, nagsimulang magbenta ang Discount Tire ng mga gulong at goma sa online. Mahalaga ang Google Analytics sa pagbibigay-daan sa kawanihan ng marketing na subaybayan at sukatin ang mga resulta ng bagong hakbangin. Halimbawa, tinulungan ng Google Analytics ang koponang sukatin ang pagiging epektibo ng disenyo ng site sa paghimok ng mga conversion ng benta. Itinuro ng Google Analytics ang pinakamatagumpay na wika para sa button ng checkout. Nagresulta ang "Bumili at magpareserba" sa malaking pagtaas ng benta, ngunit nagresulta ang pagbabago sa "tumingin at magpareserba" sa pagtaas ng benta sa online nang 14 porsyento sa isang linggo.

Natuklasan din ng koponan sa marketing na iniiwan ng mga tao ang kanilang mga shopping cart kung wala ang mga item sa kanilang lokal na tindahan. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng wikang nagtitiyak sa mga customer na hahanapin at iiimbak ng Discount Tire ang item, bumagsak ang rate ng pag-abanduna sa mga item na ubos na at nadagdagan ang benta ng 36 porsyento.

"Mahalaga sa aming tagumpay ang mga ulat ng funnel sa Google Analytics," sabi ni Bolland. "Patuloy kaming nagsusumikap na mapabuti ang karanasan ng user. Binibigyan kami ng Google Analytics ng pananaw na kailangan namin upang mabilis na makita kung anong hakbang sa proseso ng pagbenta sa online ang putol upang maayos namin ito agad."

Tumaas na pagiging epektibo ng marketing sa mas mabababang halaga

Gumagamit din ang koponan sa marketing ng mga screen ng buod ng pangunahing pagganap sa Google Analytics upang patuloy na maipaalam sa mga executive ng kumpanya ang tungkol sa pag-usad at mga resulta ng bentang nakamit mula sa mga hakbangin sa online marketing. Dahil sa pagiging epektibo at nasusukat na epekto nito, ang Discount Tire ay naglalapat ng mas maraming mapagkukunan para sa online marketing.

"Ang online marketing ay nagiging isang mas mahalagang bahagi ng diskarte sa marketing ng Discount Tire," sabi ni Unwin. "Ang advertising na nakabatay sa paghahanap, partikular na ang Adwords, ay ang siyang saligan ng aming diskarte at bahaging patuloy naming binabalak na palaguin."

Ayon kay Matt Greene, President ng Blue Ribbon, "mula sa isang madiskarteng pananaw, ang Blue Ribbon ay nakatuon sa pakikipagtulungan sa mga client nito upang higit na maunawaan ang napakalaking halagang likas na taglay ng online marketing (bilang karagdagan sa malilinaw na pakinabang ng kakayahang masubaybayan at mga positibong resultang nabuo mula sa Paghahanap) nang sa gayon ay patuloy pa nilang mabago ang anyo ng kanilang dolyares sa offline na ad at muling mailaan sa online marketing. Malinaw na pinapagana ng toolset ng Google Analytics ang proseso ng edukasyong ito at nagbibigay ng patunay sa konsepto"

Naaaksyunang data para sa patuloy na pagpapabuti

Noong 2006, binabalak ng kumpanyang higitan ang pagtuon nito sa lokal na pag-target batay sa impormasyong nakuha mula sa Google Analytics. Mas mura ang lokal na advertising at mas mabilis na nakakatugon ang Discount Tire sa pamamagitan ng pag-aayon ng mga mensahe sa mga customer, pag-target ng mga rehiyong may mga tukoy at napapanahong ad o pagpapalit ng mga keyword sa paghahanap o mga diskarte sa pag-bid sa AdWords upang pataasin ang trapiko at ang mga resulta. Nagkaroon ng isang malaking positibong epekto ang lokal na pag-target, sa partikular, sa mga benta ng Discount Tire sa parehong website at sa mga tindahan. Ayon kay Unwin, ang marketing sa lokal na paghahanap ay tatlong beses na mas mabisa sa pagbuo ng mga transaksyon sa online kumpara sa kanilang pambansang kampanya, na may saysay para sa isang kumpanyang isinasagawa ang karamihan ng negosyo nito sa isang lokasyon ng tindahan – hindi sa pamamagitan ng direktang pagpapadala sa mga consumer.

"Ang bawat bagong bahagi ng impormasyong nakukuha namin mula sa Google Analytics ay nagbibigay sa amin ng 10 bagong ideyang makakatulong sa aming mga customer na mahanap ang kanilang kinakailangan sa online."
Travis Unwin
Managing Director

Kabilang sa mga karagdagang plano ang pagbabago ng katuwiran sa pagpapasya sa pamimili sa website upang mangasiwa ng isang pagbebentang may higit na kakayahang magpayo at ang paggamit ng online marketing upang tumulong na mapatibay ang brand na Discount Tire. Batay sa impormasyon mula sa Google Analytics, makakagawa ang Discount Tire ng mas malalawak na pagpapasya sa negosyo sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga trend at patuloy na pag-angkop at pagpapatibay ng mga diskarte nito sa marketing.

"Ang bawat bagong bahagi ng impormasyong nakukuha namin mula sa Google Analytics ay nagbibigay sa amin ng 10 bagong ideyang makakatulong sa aming mga customer na mahanap ang kanilang kinakailangan sa online," sabi ni Unwin. "Tinutulungan kami ng Google Analytics na unahin kung ano muna ang susubukan at pagkatapos ay subaybayan ang mga sukatan ng tagumpay sa kabuuan ng bawat pagbabago upang matiyak na tama ang aming mga palagay. Susi ang Google Analytics sa patuloy na pagpapabuti ng aming site at ng karanasan ng aming customer."

Tungkol sa Blue Ribbon Consulting

Itinatag noong Enero 2002, ang Blue Ribbon ay nakikipagtulungan sa mga tagatingi, tagamanupaktura at kumpanya ng serbisyo na dominante sa kategorya na may pangunahing pagtuon sa pagtaguyod at paggamit ng mga diskarte sa pangunguha ng mga bagong customer sa ngalan ng mga client. Ang Blue Ribbon ay nagbibigay ng isang full-suite ng mga media planning sa online at mga serbisyo sa pamimili at nagtataglay na malalim na kasanayan sa Marketing sa Paghahanap, bilang karagdagan sa iba pang mahahalagang media channel gaya ng Display, Internet Yellow Pages, Shopping Comparison, Local Media at mga umuusbong na channel gaya ng Podcasting at mga RSS feed.

Download this Case Study as a PDF