Google

Ni-reinvent ng TCHO ang negosyo ng tsokolateng gourmet sa tulong ng Google Analytics

Negosyo

Naitatag noong 2006 ng dating Space Shuttle technologist na si Timothy Childs at beterano sa industriya ng tsokolate na si Karl Bittong, ang TCHO ay nagmamanupaktura at nagbebenta ng "masasarap na dark na tsokolate" na nagmula sa mga nagtatanim ng buto ng cacao sa buong mundo. Ang kumpanya ng San Francisco ay nagsisilbing isang "direkta, malinaw na koneksyon sa pagitan ng mga magsasaka at mga consumer, mula sa anihan hanggang sa panlasa, mula sa mataas na konsepto hanggang sa kakaibang karanasang senswal."

Nagsimula ang DNA ng negosyo ng TCHO sa mga start-up na layon ng Silicon Valley at kultura sa pagkain ng San Francisco. Si Louis Rossetto, ang nagtatag ng Wired magazine, ay ang CEO. Regular na naglulunsad ang kumpanya ng mga limitadong edisyon ng "beta" at magkahiwalay na a/b taste test na nanghihikayat sa mga customer upang magbigay ng feedback, sa parehong paraang ang mga high-tech na startup ay naglalabas at nanghihingi ng feedback sa teknolohiya.

Paglikha ng Mga Interisadong Taong Nagtataglay ng Kaalaman

Gumagana ang TCHO.com bilang parehong online na tindahan (ang iyong tanging paraan ng pagbili ng tsokolate sa kasalukuyan) at isang paraan upang ikonekta ang mga customer sa mga taong gumagawa ng TCHO. Ipinapaliwanag ni Cash Shurley, IT Director, na, "ang TCHO ay tungkol sa pagtulong sa iyong maging isang interisadong taong nagtataglay ng kaalaman, dahil kapag walang konteksto at kahulugan, imposible ang ganap na kasiyahan sa tsokolate." Ang pangunahing bahagi ng diskarteng ito ay gawing madali at nakakatuwa para sa mga customer ang pagbibigay ng feedback sa mga tukoy na batch at edisyon ng tsokolate. "Pagkatapos naming simulan ang paggamit ng Google Analytics noong Pebrero ng 2008, ang isa sa mga unang bagay na aming ginawa ay tiningnang mabuti kung gaano katagumpay na nahahanap at nagagamit ng mga tao ang aming pahina ng feedback. Nagawa naming bahagyang paikutin ang mga bagay at sa pamamagitan ng ilang pag-e-eksperimento at pagsubaybay sa mga ulat ng Google Analytics, nabatid namin kung paano maghihikayat ng marami pang feedback."

"Mahalagang mahanap ang pinakamahuhusay na paraan upang maabot ang aming mga customer -- upang makita kung saan sila nagtatagal sa site, malaman kung pinapanood nila ang mga video, at maunawaan kung anong mga bahagi ng site ang pinakasikat at hindi gaanong sikat."

Binibigyang-diin ng TCHO ang impormasyon at pagbibigay-kaalaman sa mga customer. "Mahalaga para sa amin ang pagsubaybay sa mga benta sa site, ngunit interesado rin kami sa pagsubaybay kung ano ang binabasa sa loob ng aming tindahan at sa mga environment ng blog," sabi ni Cash. "Sa pamamagitan ng aming mga video, blog, at lahat ng nasa aming site, ikinasisiya namin ang pagbabahagi ng aming kasabikan tungkol sa kung anong ginagawa namin. Ngunit, mahalagang mahanap ang pinakamahuhusay na paraan ng pag-abot sa aming mga customer -- upang makita kung saan sila nagtatagal sa site, mabatid kung pinapanood nila ang mga video, at maunawaan kung anong mga bahagi ng site ang pinakasikat at hindi gaanong sikat." Nalaman ng TCHO na ang Google Analytics ay isang madaling paraan upang makuha ang impormasyong ito at maibahagi ito sa iba pang nasa kumpanya.

Estilo ng Start-up

Nalaman ng koponan sa marketing at web sa TCHO na kapaki-pakinabang ang Google Analytics para sa pagtukoy ng mga hakbangin sa online na nagbibigay ng pinakamalaking return on investment. Regular na tumitingin ang koponan sa Lahat ng Mga Pagmumulan ng Trapiko at mga ulat ng Nagre-refer na Site upang matukoy ay mga bagong pagmumulan ng trapiko. "Tinitingnan namin ang lahat ng mga bagay na ginagawa namin at sinusubukang gawin itong mas mahusay, kaya gustung-gusto naming gamitin ang Google Analytics bilang ang aming mekanismo ng feedback," sabi ni Mag Donaldson, Director of Marketing. Nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag na ang paglikha ng mga filter na kinakailangan nila upang magbukod ng trapiko mula sa ilang IP address sa kanilang mga ulat ay madali lang at hindi na niya kailangan ang kanyang webmaster na gawin ito para sa kanya. "Hindi mo kailangang maging taong bihasa sa IT o maging dalubhasa sa web analytics upang magamit ito. Mahalaga iyon dahil kami ay maliit na kumpanya at lahat kami ay dapat na maging bihasa sa lahat ng bagay. Mahalagang masuri nang mabilis ang mga ulat nang magkakasama at makatuklas ng bagong impormasyon agad-agad."

Binabago ang Lahat

Patuloy ang pagbabago sa TCHO. Ipinapaliwanag ni Cash na ang TCHO.com website ay muling idinidisenyo at ilulunsad ito sa isang bagong platform. "Nagsisimula pa lamang kami sa paggamit ng Google Analytics upang subaybayan ang mga conversion ng mga benta at mga click-through at inaasahan kong higit pa kaming matututo habang nagpapatuloy."

Sinasabi ng CEO na si Louis Rossetto, "Pinagtutuunan namin ang mga detalye ng bawat aspeto ng negosyong ito. Paano ka mag-i-innovate -- hindi lamang ang proseso sa paggawa ng tsokolate ngunit ang negosyo bilang pangkalahatan? Hanapin mo ang tamang tao at ang mga tamang tool at kasangkapan. Kaya, perpekto ang Google Analytics para sa isang startup tulad ng sa amin at nakakatulong sa aking koponan sa web at marketing na maisagawa ang isa sa aming mga pangunahing paniniwala -- ang magsagawa ng pagbabago at walang tigil na pagpapabuti."