Google

Tumaas ang mga benta ng ticket ng flight ng Vueling nang 20% gamit ang Google Analytics.

Ang Vueling airlines, nagsimula at itinatag sa Barcelona noong Pebrero 2004, ay may mga base ng pagpapatakbo sa Barcelona at Madrid, mula sa kung saan pinagsisilbihan nito ang mga pangunahing ruta sa southwest Europe. Sa unang taon at kalahati nito, nakaranas ang Vueling ng napakalaking paglago: ang bilang ng mga empleyado ay tumaas mula 90 hanggang humigit sa 570, at ang mga eroplano ay dumami mula 2 hanggang 14 na eroplano at nagsakay ito nang mahigit sa 4 na milyong pasahero.

"Malalim na sinusuri ng Google Analytics ang pag-uugali at pakikipag-ugnay ng user sa website, at tumutukoy ng mga paraan upang i-optimise ito."
Victor Sala
Web Manager

Nag-aalok ang Vueling ng murang halaga at de-kalidad na serbisyo. Mayroon itong tatlong pangunahing USP: direktang benta sa online sa pamamagitan ng website nito, at sa call centre nito; mga bagong eroplanong idinisenyo upang makatipid sa gasolina at magkaroon ng mahusay na sistema ng pagpapatakbo; at isang tauhan na nakabase sa lungsod kung saan magsisimula ang biyahe.

Mga Hamon

Ang pagkakaroon ng kontrol sa mga badyet sa advertising ay mahalaga para sa Vueling at palagi nitong sinusubukang kalkulahin ang mga sukatan ng ROI. Bagama't gumagamit ang Vueling ng iba't ibang sistema ng ROI, nagpasya itong gamitin ang Google Analytics, isang tool na "sumusukat hindi lamang ng pagganap ng badyet sa online marketing, ngunit sinusuri din ang makahulugang pag-uugali ng user at pakikipag-ugnay sa website, at tumutukoy ng mga paraan upang mapabuti ang karanasan ng user," sabi ni Anna Caceres.

"Napakadaling i-install ng Google Analytics at ito ay kumprehensibo, madaling gamitin at malinaw sa paraan ng paglalahad nito ng impormasyon kumpara sa iba pang mga tool sa market. Ito rin ay pabagu-bago dahil palagi itong pinapabuti at nag-a-update."

Ang Google Analytics ay isang "one-stop-shop": kontrol sa badyet ng advertising, web analytics at pagsubaybay sa nabigasyon ng website ng bisita. Sa puntong ito, pinagsasama-sama ng Google Analytics ang iba't ibang pagpapaandar na dating isinasagawa gamit ang iba't ibang mga tool.

"Makikita mo ang lahat ng impormasyon sa isang lugar: mga resulta ng pamumuhunan sa advertising sa online, pagsusuri ng web at pagsubaybay sa pag-uugali ng user."
Anna Caceres
Online Marketing Manager

"Ang Google Analytics ay isang napakahusay na tool na nagbibigay ng mahusay na pag-unawa sa pagbabago ng trapiko sa iyong website. Binibigyang-daan ka nitong matukoy kung saan iniiwan ng mga user ang site. Bilang resulta, suriin ang disenyo ng iyong website at pagbutihin ang pagganap ng iyong iba't ibang kampanya ng advertising," sabi ni Victor Sala.

Mga Resulta

Dalawang buwan matapos ang pagpapatupad ng Google Analytics, ang bilang ng mga conversion ay tumaas nang 20%, nagkaroon din ng 10% na bawas sa gastos ng mga conversion. Naghihikayat ang Analytics ng mga pagbisitang mapagkukunan ng pinakamataas na kita at ginagawa nitong higit na naaakit ang mga potensyal na client sa conversion. Sanhi ng pagsama ng Google Analytics sa Adwords, binago at pinalawak ng Vueling ang listahan ng keyword nito upang mang-akit ng mas maraming potensyal na client, at madagdagan ang porsyento ng market. "Nakatulong sa amin ang Google Analytics na matuklasang marami sa aming mga client ang nakatira sa mga bansa kung saan hindi kami nagpapatakbo. Nahikayat kami nitong maglunsad ng mga kampanya ng advertising sa mga market na iyon. Tinasa din nito ang porsyento ng mga conversion na nagmula sa aming posisyon sa natural na paghahanap."

Binibigyang-daan ng Analytics ang Vueling na mapag-isa ang lahat ng mga pinagkukunan ng impormasyon at alisin ang duplicity sa accountancy ng conversion.

"Napakadaling i-install ng Google Analytics at ito ay kumprehensibo, madaling gamitin at malinaw ang paraan nito ng pagpapakita ng impormasyon kung ihahambing sa iba pang mga tool sa market. Ito rin ay pabagu-bago dahil palagi itong pinapabuti at ina-update," sabi ni Anna. Sa puntong ito, ang pagpapatupad ng Google Analytics ay isa sa pinakamahahalagang pagpapasyang may kaugnayan sa pamamahala ng impormasyon sa kumpanya.

Download this Case Study as a PDF