The Google Analytics Certified Partner program is a company level accreditation for
business consultants who package, sell and deliver analytics, website testing and
conversion optimization services to online businesses. If this is what your company
does, consider becoming a Google Analytics Certified Partner to grow your business and
boost your clients' website conversion rates and profitability.
Mga Pakinabang ng Programa
- Access sa isang pinagkakatiwalaan at nabe-verify na Pinagtibay na badge
- Kaalaman sa roadmap ng produkto at mga tampok na beta
- Ang imbitasyon sa mga eksklusibong kaganapan ay available lang sa GA at GWO
Certified Partners
- Suporta para sa mahihirap na katanungang teknikal
- Makipag-ugnay sa Pamamahala ng Produkto ng Analytics at koponan sa Marketing
- Mga posibleng pagkakataon na makapagsalita sa mga kaganapan ng Google.
- Mga posibleng referral ng client
Paano Mag-apply
Dapat na malinaw na matugunan ng iyong application ang mga pamantayan sa ibaba.
Magreresulta sa pagtanggi sa iyong application ang kabiguang matugunan nang sapat
ang bawat pamantayan.
I-download ang
Template ng Application
Seksyon 1: Mga Kinakailangan sa Kahusayan
- Magbigay ng mga komprehensibong detalye ng 3 nabe-verify, bayad, mahusay na
naitalagang proyekto ng Google Analytics na may 3 iba't ibang client kung kanino
kami maaaring makipag-ugnay para sa reference.
- Dapat na kumatawan ang Mga Pag-aaral ng Kasong ito sa trabahong (a) nagpapakita
ng iyong kakayahang gumawa nang higit pa sa karaniwan, mga pamantayang pagpapatupad
(b) nagresulta sa pambihirang halaga ng epekto sa iyong client o (c) nagsasaad ng
mataas na antas ng pag-unawa sa pagsusuri ng web.
- Dapat na ipakita ng kahit isang pag-aaral ng kaso ang iyong kahusayan sa
pagsubok ng website gamit ang Website Optimizer.
- Magbigay ng katibayan ng napatunayang kahusayan sa web analytics. Maaaring
kasama nito ang, ngunit hindi limitado sa, mga pakikipag-ugnayan sa pagsasalita sa
mga kumperensiya, mga mapag-impluwensyang blog, white paper, management bio, at/o
iba pang ebidensyang nagpapakita ng iyong kahusayan sa web analytics.
Seksyon 2: Mga Kinakailangan sa Negosyo
- Dapat na kumatawan ka ng negosyo at maging legal na kasapi upang magnegosyo sa
iyong lokalidad.
- Dapat na mayroon kang isang uri ng electronic na system sa pagti-ticket sa
customer support upang pamahalaan at subaybayan ang mga kahilingan sa customer
support.
- Magbigay ng pruweba ng Propesyonal na Seguro Laban sa Pinsala/Sagutin tulad ng
naaangkop para sa iyong hurisdiksyon ($1 milyon sa USA) – kung hindi ito nalalapat
sa iyong rehiyon, mangyaring balewalain.
- Ninanais na magkaroon ng hindi bababa sa isang empleyado na sertipikado sa
GAIQ na pagsusulit. Makikita ang higit pang
impormasyon sa
Google Analytics Conversion University.
- Dapat na mayroon kang link sa iyong website na prominenteng naglalarawan sa
iyong mga serbisyo ng web analytics.
Seksyon 3: Mga Ninanais na Katangian
- Mga in house web designer at web developer.
- Mahusay na kaalaman sa javascript, cookies, mga http header at pag-redirect.
- Ang kaalaman sa iba pang mga teknolohiya sa web (gaya ng flash, jsp, asp, at
php).
- Masigasig na koponan sa pagbebenta at malinaw na diskarte para sa pagkuha ng
client.
Pangakong Tuparin ang Mga Kinakailangan ng Programa
- Sumasang-ayon kang magpadala ng hindi bababa sa isang empleyado sa Google
Analytics Certified Partner Summit sa iyong sariling gastos (karaniwang idinaraos
isang beses bawat taon sa loob ng tatlong araw sa Mountain View, CA, USA. Sakop ng
Summit ang mga teknikal, marketing, at pangnegosyong paksa na naaangkop ayon sa mga
Manager ng GA Partner Program).
- Sumasang-ayon kang magbigay ng ulat (ipinadala ng Google) sa pagtatapos ng
bawat quarter na nagbubuod sa lahat ng proyekto ng Google Analytics na iyong
ginamit sa loob ng quarter.
Pagwawakas ng Programa
Maaaring piliin mo o ng Google na wakasan ang iyong katayuan ng GACP anumang oras
at sa anumang kadahilanan. Kabilang sa mga kadahilanan kung bakit maaari itong
gawin ng Google ay, ngunit hindi limitado sa:
- Pagkabigong matugunan at mapanatili ang anuman sa mga pamantayan sa itaas.
- Mahinang feedback ng client.
- Pagkabigong mag-ulat ng pakikipag-ugnayan tuwing quarter sa nasa oras na
pamamaraan.
- Patuloy na pagkabigong tumugon sa email o pakikipag-ugnayan sa telepono mula sa
Google.
Template ng Pag-aaral ng Kaso
Teksto: 1 Talata MAX
Magsama ng mga URL ng website at ng mga detalye ng sangguniang contact para
sa iyong client
Seksyon 1 - Pangkalahatang-ideya ng Client
- Itakda ang eksena
- Sa aling vertical nagpapatakbo ang iyong client?
- Batayan ng pakikipag-ugnayan sa iyo
Teksto: 4 na Talata MAX
Magsama ng mga Screen shot at sample ng custom na code kung saan posible
Seksyon 2 - Kakayahang Teknikal
Ipakita ang iyong kahusayang teknikal at isama ang:
- Mga halimbawa ng pagpapatupad ng mga advanced na tampok (e-Commerce /
kaganapan / pagsubaybay ng flash atbp)
- Mga halimbawa ng naka-customize na code at mga pagkakaton kung kailan
talagang nasulit mo ang paggamit ng Google Analytics (hal. paggamit ng
pag-andar na setVar at utm_nooveride atbp)
- Ang iyong pag-unawa kung paano gumagana ang produkto
Teksto: 4 na Talata MAX
Magsama ng mga chart/graph at mga screen shot kung saan naaangkop
Seksyon 3 - Mga Analytical na Kasanayan
Now that you've done a top notch implementation, what did you do with the
valuable data that was generated? Explain to us how you:
- Mga natukoy na problema sa website
- Mga na-develop na pamamaraang ginamit sa pagsusuri ng problema
- Natasa ang sitwasyon
Teksto: 2 na Talata MAX
Magsama ng mga chart/graph at mga screen shot kung saan naaangkop
Seksyon 4 - Insight sa Negosyo
Panghuli, anong mga rekomendasyon ang ginawa mo sa iyong client batay sa
iyong trabaho? Ipakita sa amin:
- Ang iyong kakayahan sa paglikha ng isang hinuha
- Ang naaangkop na pananaw sa negosyong ipinadala mo sa antas ng CXO?
- Ang mga epekto sa negosyo kung nalapat ang iyong mga rekomendasyon
Mag-apply Ngayon
Sa sandaling sa palagay mo ay natugunan ng iyong kumpanya ang mga kinakailangan ng GACP program, isumite ang iyong
application gamit ang
Template ng Application sa gacp-requests@google.com at makikipag-ugnay
kami sa iyo sa loob ng 10 araw ng negosyo tungkol sa mga posibleng susunod na
hakbang. Kung lumilitaw na naaakma nang mabuti ang iyong kumpanya para sa programa,
magse-set up kami ng panayam sa telepono. Kung hindi, maaari kaming humingi ng
higit pang impormasyon o na mag-apply kang muli sa ibang petsa.
Hindi mo maaaring tukuyin ang iyong kumpanya bilang isang Google Analytics
Certified Partner at hindi maaaring gamitin ang logo ng GACP hanggang sa aprubahan
ng Google ang iyong application sa pamamagitan ng email at sumang-ayon ka sa online
sa Mga Tuntunin ng Google Analytics Certified Partner Program