Pangkalahatang-tanaw ng Negosyo

Pagdating sa teknolohiya nito, nagpasya ang Google na huwag bigyang-pansin ang nakasanayang kaalaman sa pagdisenyo ng negosyo nito. Ang kumpanya ay nagsimula gamit ang puhunan mula sa mga angel investors at ipinagsama nito ang dalawang mga magkakatunggaling kumpanya ng venture capital upang mapondohan ang unang equity round nito. Bagaman ang dotcom boom ay pumutok sa paligid nito at ang mga kakumpetensya ay gumastos ng milyon-milyon sa mga kampanya sa pagmerkado upang "magtaguyod ng brand," sa halip ay tinutukan ng Google ang tahimik na pagbuo ng isang mas mahusay na search engine.

Ang salita ay mabilisang kumalat mula sa isang nasisiyahang gumagamit papunta sa isa pa. Sa pamamagitan ng walang-kapantay na teknolohiya sa paghahanap at madaming trapiko sa Google.com site nito, natuklasan ng mga tagapamahala ng Google ang dalawang mga paunang pagkakataon para sa kumita. mga serbisyo sa paghahanap at ang pagpapatalastas.

Lumalago ang Google at yumayabong ang negosyo

Sa paglaon, ang dalawang mga negosyong ito ay naging dalawang mga network magkaka-ugnay. Ang mga mananalastas sa Google AdWords ay bumubuo ng mga patalastas upang makapagdulot ng mga kwalipikadong trapiko papunta sa kani-kanilang mga site at makabuo ng mga lead. Ang mga kaakibat ng Google sa publishing ay naghahatid ng mga patalastas na iyon na nakapuntirya sa mga katugmang resulta sa paghahanap na pinapagana ng Google AdSense. Gamit ang AdSense, namamahagi ang publisher sa kita na nabubuo kapag nag-click ang mga mambabasa sa mga patalastas.

Para sa mga site na nagnanais na magkaroon ng mas maraming kontrols a kanilang intranet o paghahanap sa site, binuo ng Google ang Google Search Appliance, isang kasangkapan na mai-aakma at sigurado na nagdudulot ng mga wastong resulta ng paghahanap sa kahit ilang mga dokumento.

Patuloy na nag-iisip ang Google ng mga bagay-bagay kung paano bubuti ang teknolohiya mula sa mga kasalakuyang pamamaraan ng pagnenegosyo. Ang mga bagong larangan ay pinapasok, ang mga ideya ay isinasa-prototype at ang mga umuusbong na serbisyo ay pinagbubuti upang ang mga ito ay gawing mas kapaki-pakinabang para sa mga mananalastas at publisher. Subalit, kahit gaano pa kalayo mawawalay ang modelo sa pagnenegosyo ng Google mula sa mga pinagmulan nito, ang puno nito ay patuloy na nagdudulot ng kapaki-pakinabang at naaakmang impormasyon sa mga pinakamahahalagang bahagi ng ecosystem –ang mga milyon-milyong mga indibidwal sa buong mundo na umaasa sa Google search upang makapagdulot ng mga kasagutang hinahanap nila.

Google AdWords para sa mga Mananalastas

Dinisenyo ng Google ang AdWords para sa mga mananalastas na nais marating ang isang kwalipikadong madla nang kasing-bisa hangga’t maaari. Pinipili ng mga mananalastas ang kani-kanilang mga sariling keyword at nagbabayad lamang sila kapag nag-click ang mga customer sa kanilang mga patalastas. Madaling makabuo ng mga teksto ng patalastas at pamahalaan ang mga online na account sa pagpapatalastas nang walang kinakailangang malaking paunang bayad. Ang tanging kinakailangan ay limang minuto at isang credit card. Ang mga patalastas ay lumalabas sa kabuuan ng lumalagong hanay ng mga kaakibat ng Google, kabilang ang libo-libong mga site mula sa America Online hanggang sa Washington Post, at ang mga ito ay nakapuntirya sa mga kaukulang pahina ng paghahanap at nilalaman.

Ang may-karanasang koponan ng Google sa pagbebenta at pagsisilbi ay nagpapasulit ng mga kampanya para sa aming mga mas malalaking tagapagpatalastas. Ang aming mga kawani ng mga dalubhasa sa AdWords ay nakikipagtulungan sa mga mananalastas upang piliin ang mga nararapat na keywords at mabuo ang katugmang malikhaing gawa, pagkatapos ay maingat na sinusubaybayan ang kampanya upang mapagbuti ang pagganap nito sa paglaon sa pamamagitan ng pagsasala ng mga keywords at muling pagsusulat ng teksto batay sa kung alin ang pinakamabisa. Walang limitasyon sa bilang ng mga keywords na maaaring piliin ng isang tagapagpatalastas at ang bawat keyword ay maaaring maitugma sa iba pang malikhaing pagpapatupad. Kabilang sa mga kamakailan-lamang na mananalastas ay ang Amazon, Cisco Systems at Staples.

Binibigyan ng Google ang lahat ng mga mananalastas nito ng buong hanay ng ng mga serbisyo sa pag-uulat upang mapagana ang pagpipino ng mga kampanya at real-time na kaalaman ukol sa kung alin-aling mga sangkap ang pinakamahusay na gumaganap. Mas lalong mapagbubuti ng mga mananalastas ang kanilang mga kahusayan sa pamamagitan ng pagpuntirya ng kani-kanilang mga kampanya sa mga mismong lugar o wika.

Ang Google AdSense at mga Serbisyo para sa Web Site

Naniniwala ang Google na ang naaakmang pagpapatalastas ay maaaring maging kasing kapaki-pakinabang ng mga resulta sa paghahanap o ng iba pang mga anyo ng nilalaman. At ang pagpapatalastas na iyon ay maaaring makapagbuti sa karanasan ng mga bisita sa website ng isang publisher, habang tinutulungan ang mga publisher na makuha ang ilan sa kanilang mga puhunan upang makabuo ng nilalaman na may halaga. Ang Google AdSense™ ay nagsasanib ng teknolohiya ng Google Search sa aming lupon ng mga mananalastas ng keyword upang makapaghatid ng mga patalastas na tumpak na pumupuntirya sa mga resulta sa paghahanap o sa nilalaman sa mga pahina ng isang site, kahit gaano pa ka-espesyal na paksa. Bilang resulta ay ang mga mananalastas, publisher o naghahangad ng impormasyon ay pare—arehong nakikinabang.

Mmadaling mag-sign up para sa AdSense—kailangan lamang nito ng ilang mga minuto upang mag-apply. At ang aming koponan sa pagbebenta ay tumutulong upang maipasadya ang programa para sa mga site na nakakatanggap ng higit sa 20 milyong mga page view kada buwan.

  • Ang AdSense ay nagsisilbi ng mga kaukulang patalastas sa mga resulta ng paghahanap, pahina ng nilalaman at pati na sa mga hindi-aktibong pahina ng domain. Ang Google Search Services ay nagbibigay-daan din sa mga publisher na maidulot ang Google web search sa kani-kanilang mga pahina – mga resulta na magagamit upang kumita gamit ang programa sa AdSense for Search na The Google Search Appliance, isang kasangkapan na mai-aakma at sigurado na nagdudulot ng de-kalidad na paghahanap sa Google sa kabuuan ng isang inbidiwal na website o intranet.
  • Ang Google Wireless Services ay naghahatid ng mga resulta ng Google sa paghahanap sa pamamagitan ng mga PDA, mga tealeponong wireless at iba pang mga aparatong mobile na pinapagana ng marami sa mga nangungunang wireless service provider ng mundo.
   ©2009 Google - Home - Ukol sa Google - Patakaran sa Pagkapribado - Mga Tuntunin ng Serbisyo