Mabilisang Profile
Ang Google ay isang public company na tumutubo at nakatutok sa mga serbisyo sa paghahanap.. Pingangalanan batay sa kataga sa matematika na "googol," ang Google ay nagpapatakbo ng mga web site sa maraming mga pang-internasyonal na domain, na ang pinaka-abalang site ay ang www.google.com. Ang Google ay malawakang kinikilala bilang "world's best search engine" sapagkat ito ay mabilis, wasto at madaling gamitin. Naninilbihan din ang kumpanya sa mga kliyenteng korporasyon, pati na ang mga mananalastas, content publisher at site manager sa pamamagitan ng advertising na sulit sa bayad na at isang malawak na hanay ng mga serbisyo sa paghahanap na nagdudulot ng kita. Ang mahalagang-tuklas na teknolohiya ng Google at patuloy na pagbabagong-likha ang naninilbihan sa misyon ng kumpanya na "maisaayos ang impormasyon ng mundo at gawan ng paraan upang ito ay mapupuntahan at mapapakinabangan ng lahat."
Karagdagang kaalaman tungkol sa Google
|