Pinapayagan ba ang mga pop-up na patalastas sa Google?
Hindi pinapayagan ng Google na magkaroon ng kahit anong pop-up na patalastas sa aming site. Para sa amin ay nakakainis ito. Kaya’t bakit paminsan-minsan ay lumalabas ang mga ito kapag naghanap ka sa Google? Narito ang ilang mga posibleng paliwanag:
-
Maaaring nakatagpo ka ng isang squatter na may address na katulad ng sa Google. Paminsan-minsan, may mga indibidwal na magrerehistro ng mga domain name na may isang titik ang naiiba mula sa isang kilalang URL sa pag-asa na makaka-akit sila ng mga taong magkakamali sa pag-type. Tiyaking ipasok ang www.google.com sa iyong browser at maaaring mawala ang mga pop-up. O, kung nagpapatakbo ka ng Windows, idagdag lamang ang libreng Google Toolbar sa iyong browser sa pamamagitan ng pagbisita sa http://toolbar.google.com/.
-
Ang isa pang posibilidad ay may binisita kang isang site habang ikaw ay nagsu-surf, at ang site na iyon ay naglunsad ng mga pop-up window sa background. Ang mga patalastas na ito ay kilala sa industriya ng pagpapatalastas bilang "mga pop-under." Ang iba pang web page ay maaaring makapagpalabas ng mga pop-up kapag umalis ang isang gumagamit sa site na iyon. Nang magpunta ka sa Google, maaaring lumitaw ang mga window. Muli, hindi namin kinokunsinti ang ganitong gawain at hindi namin ito pinapayagan sa Google.
-
Kung nakapag-install ka ng ilang mga libreng program, lalo na ang mga programa sa pamamahagi ng file ng musika tulad ng BearShare o AudioGalaxy, maaaring nakapag-install ka din ng iba pang mga program. Ang mga maliliit na "time bomb" na ito ay maaaring magpakita ng mga pop-up nang may hindi-tiyak na palugit o batay sa kahit anong bagay na ita-type mo sa isang web page. May isang maikling paglalarawan ng mga program na ito ang matatagpuan sa mga akdang ito: http://news.com.com/2100-1023-257592.html at http://www.wired.com/news/technology/0,1282,49960,00.html.
Kung nakakaranas ka ng mga pop-up na gawa ng isa sa mga nakakahamak na program na ito, baka gusto mong tanggalin ang pop-up program mula sa iyong computer. Ang isang program na nagtatangkang matagpuan at magtanggal ng mga pop-up program ay makukuha sa http://download.com/downloads/0-10106-108-63806.html. Wala kaming kaugnayan sa mga indibidwal na bumuo ng software na ito at hindi namin mapapatotoo ito mismo.
Kung sa tingin mo ay naloko ka nang ikaw ay nag-install ng isang program na nagbibigay ng mga pop-up, maaaring may gusto kang gawing pagkilos. Pinanghahawakan ng Federal Trade Commission (FTC) ang mga reklamo ukol sa mga mapanlinlang o di-patas na gawi sa pagnenegosyo. Upang magsampa ng isang reklamo, bisitahin ang: http://www.ftc.gov/ at mag-click sa "File a Complaint Online", tawagan ang 1-877-FTC-HELP, o lumiham sa:
Federal Trade Commission CRC-240 Washington, D.C. 20580
Kung ang iyong reklamo ay laban sa isang kumpanya sa isa pang bansa, mangyaring pakisampa ito sa http://www.econsumer.gov/.
Sana'y magtagumpay ka sa iyong pagsusumikap na puksain ang mga pop-up. Kung nais mong makakuha ng karagdagang impormasyon ukol sa pagpapatalastas na tinatanggap namin sa Google, matatagpuan mo ito sa pamamagitan ng pagbisita sa pahinang ito: http://www.google.com/ads/. Kung mayroon kang iba pang mga katanungan, pakibisita ang Google Help Center.
Kung susundin mo ang lahat ng mga mungkahing ito ay mayroon ka pa ding isang "problema sa pop-up" sa Google, huwag mag-atubiling lumiham sa amin. Makakatulong ito sa amin kung makakapag-right click ka sa pop-up window at pipiliin mo ang "Properties" mula sa drop down menu. Kapag lumiham ka sa amin, isama ang url address na makikita mo, upang maaari naming maimbestigahan ang pinagmulan ng mga pop-up.
|