Seguridad at Kaligtasan ng Produkto ng Google

Google's Security Philosophy
Bilang tagapagdulot ng software, mga serbisyo at pera para sa mga gumagamit, advertiser at publisher sa Internet, sa tingin namin ay may pananagutan kami na maprotektahan ang iyong pagkapribado at seguridad. Kinikilala namin na ang mga secure na produkto ay mahalaga sa pagpapanatili ng tiwala na ibinigay mo sa amin at nagsusumikap kaming makabuo ng mga makabagong produkto na parehong naninilbihan sa iyong mga pangangailangan at gumagana para sa iyong pinakamabuting kapakanan.

Natutunan namin na kapag ang seguridad ay nagawa nang tama, ito ay pinakamahusay na naisasagawa bilang isang komunidad, at kabilang dito ang lahat: ang mga tao na gumagamit ng mga serbisyong Google (salamat sa inyong lahat!), ang mga software developer na gumagawa ng aming mga applications, at ang mga mahihiling sa panlabas na seguridad na pinapanatili kaming alerto. Ang mga sama-samang hakbangin na ito ay may malayong nararating upang maging mas ligtas at secure ang Internet.

Pag-uulat sa mga Isyu sa Seguridad
Kung isa kang gumagamit ng Google at mayroon kang isyu sa seguridad na maiuulat patungkol sa iyong personal na Google account, pakibisita ang aming contact page. Kabilang dito ang mga problema sa password, mga isyu sa pag-login, mga ulat sa spam, mga pinaghihinalaang panloloko at mga isyu sa pang-aabuso ng account.

Kung may natuklasan kang kahinaan sa isang produktong Google o kung may isusumbong kang isang insidente ng seguridad, mangyaring magpadala ng email sa security@google.com. Pakisali ang isang detalyadong buod ng isyu kabilang ang pangalan ng produkto (hal., Gmail) at ang katangian ng isyu na sa tingin mo ay natuklasan mo. Tiyaking magsama ng isang email address kung saan ay maaari ka naming makaugnay kung sakaling kailangan namin ng karagdagang impormasyon.

Ang prosesong ito ng pag-aabiso sa isang vendor bago mailathala sa publiko ang impormasyon ay isang magandang gawi na pamatayan sa industriya na kung tawagin ay responsableng pagbubunyag. Ang responsableng pagbubunyag ay mahalaga sa kapaligiran ng Internet. Binibigyang-daan nito ang mga kumpanya na katulad ng Google na mapanatiling ligtas ang mga gumagamit sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga kahinaan at paglutas sa mga alalahanin sa seguridad bago sila mapag-alaman ng mga may masasamang loob. Mariin naming hinihikayat ang kahit sino na interesado sa pananaliksik at pag-uulat ng mga isyu sa seguridad na sundin ang mga simpleng gawi sa paggalang at mga napagkasunduan sa responsableng pagbubunyag.

Kapag nagtutulung-tulungan ay nagiging mas ligtas ang karanasan sa online para sa lahat.

Lubhang siniseryoso ng Google ang mga isyu ng seguridad at agad itong tutugon upang malutas ang mga mapapatunayang isyu ng seguridad. Ang ilan sa aming mga produkto ay kumplikado at kakailanganin ng panahon upang mai-update. Kapag naabisuhan kami nang maayos ukol sa mga lehitimong isyu, gagawin namin ang aming makakaya upang mabigyang-pagkilala ang iyong ulat na ipinadala sa email, maglalaan kami ng mga gamit-yaman upang masiyasat ang isyu, at aayusin namin ang mga potensyal na problema sa lalong madaling panahon.

Pinahahalagahan namin ang seguridad ng mga serbisyo ng Google pati na din ang iyong privacy kapag iniulat mo ang mga kahinaam o pangyayari sa amin. Kung nangangailangan ka, mangyaring gamitin ang aming public key upang itago ang iyong mga komunikasyon sa amin kapag nagpapadala ng email sa security@google.com. Bago gamitin ang susi, mangyaring siguraduhin na iyong kinumpirma ang fingerprint.

Google Thanks You
People and organizations with an interest in security issues have made a tremendous contribution to the quality of the online experience. Nagpapasalamat kami sa responsableng pagbubuyag ng mga kahinaan sa seguridad ng aming software. Sa ngalan ng milyon-milyong mga gumagamit, nais naming pasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal at organisasyon para sa kanilang pagmamagandang-loob upang mapagbuti ang karanasan ng Google para sa lahat:

  • Chris Boyd, FaceTime Communications
  • Alex Eckelberry, Sunbelt Software
  • Johannes Fahrenkrug
  • Richard Forand
  • Jeremiah Grossman
  • Fraser Howard, Sophos
  • Bryan Jeffries
  • Hidetake Jo
  • Kwok Yat-Hong (郭逸康)
  • Christian Matthies
  • H.D. Moore
  • Wayne Porter, FaceTime Communications
  • Alex Shipp, Messagelabs
  • Martin Straka
  • Castlecops
  • Team Cymru
  • Yahoo! Mga Paranoid
   ©2009 Google - Home - Ukol sa Google - Patakaran sa Pagkapribado - Mga Tuntunin ng Serbisyo