![]() |
Impormasyon sa Kumpanya |
|
|
Mga Prinsipyo ukol sa Software
Hinihiling ang puna: Isang panukala upang
makatulong sa paglaban sa mapaglinlang na Internet software Ipadala ang iyong puna sa http://groups.google.com/group/Google_Web_Search_Help. Sa Google, pinag-isipan namin nang husto ang pagpapabuti ng iyong karanasan sa online. Nababahala na kami sa tingin namin ay isang lumalalang pagbabale-wala sa iyong mga karapatan bilang mga gumagamit ng computer. Nakatagpo kami ng mga dumaraming pag-uulat ng spyware at iba pang mga application na nililinlang ka upang makapaghatid sa iyo ng mga pop-up na patalastas, ikabit ang iyong modem sa mga mamahaling toll numer o i-hijack ang iyong browser mula sa site na sinusubukan mong bisitahin. Hindi namin nakikitang magbabago ang ganitong nangyayari. Sa totoo lang, lalo itong lumalala. Bilang tagapagdulot ng mga serbisyo at pagkakakitaan ng kuwarta para sa mga gumagamit, tagapagpatalastas at tagapaglathala sa Internet, sa tingin namin ay may pananagutan kami na magkaroon ng agresibong ugali ukol sa mga isyu na ito. Kaya’t nagpasya kaming kumilos. Bilang unang hakbang, ibinalangkas namin ang isang hanay ng mga prinsipyo na sa tingin namin ay dapat na ipatupad ng industriya at ibiniabahagi namin ang mga ito upang makapag-udyok ng talakayan at makatulong sa paglutas ng problema. Nilalayon naming sundin namin ang mga alituntuning ito gamit ang mga application na aming dini-distribute (tulad ng Google Toolbar at Google Deskbar). At sapagkat lubos kaming naniniwala na ang mga prinsipyong ito ay para sa ikabubuti ng industriya at mga gumagamit sa buong mundo, hinihikayat namin ang aming mga kasosyo sa negosyo sa kasalukuyan at sa hinaharap na ipatupad din nila ang mga ito. Ang mga alituntuning ito ay malawak, ayon sa pangangailangan. Ang pagbuo at pag-distribute ng software ay masalimuot at ang teknolohiya ay patuloy na umuusbong. Bilang resulta, ang ilang mga kapaki-pakinabang na application ay maaaring hindi sumunod nang ganap sa mga prinsipyong ito at ang ilang mga nakakapanlinlang na gawi ay maaaring hindi matugunan dito. Ang dokumentong ito ay isang panimula lamang, at tumutugon sa mga larangan ng Internet software at pagpapatalastas. Ang mga alintuntuning ito ay kailangang patuloy na mai-update upang makasabay sa patuloy na pabago-bagong teknolohiya. Umaasa kami na magkakaroon kami ng patuloy na pakikipagtalakay sa iyo at sa aming mga partner. Nais naming marinig ang iyong mga mungkahi upang mapagpabuti at mai-update ang mga prinsipyong ito. Mangyaring ipadala ang iyong mga mungkahi sa http://groups.google.com/group/Google_Web_Search_Help. MGA IPINAPANUKALANG PRINSIPYOPAG-INSTALL Naniniwala kami na ang software ay hindi ka dapat linlangin upang mai-install mo ito. Dapat ay malinaw sa iyo kapag nag-iinstall ka o nagpapagana ng software sa iyong computer at dapat ay may kakayahan kang tumanggi. Ang isang application ay hindi dapat mag-install nang kusa sa iyong computer nang palihim o sa pamamagitan ng pagtatago sa loob ng isa pang program na iyong ini-install o ina-update. Dapat ay tahasan kang maabisuhan ukol sa mga pag-andar ng lahat ng mga application na nasa isang tumpok. AGARANG PAGBUBUNYAG Kapag ang isang application ay nai-install o pinagana, dapat ay ipagbigay-alam nito sa iyo ang mga pangunahin at makabuluhang pag-andar nito. At kapag ang application ay kumita sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyo ng pagpapatalastas, dapat ay malinaw at tahasan itong maipapaliwanag kung bakit ganito. Ang impormasyon na ito ay dapat na maitanghal sa isang paraan na makikita at mauunawaan ng isang karaniwang gumagamit -- sa halip na nakabaon sa maliliit na titik na kinakailangan mong mag-scroll pababa upang mabasa. Halimbawa, kung ang application ay binayaran sa pamamagitan ng pagdudulot ng mga pop-up na patalastas o pagpapadala ng iyong personal na data sa isang ikatlong partido, dapat ay maging malinaw ito sa iyo. SIMPLENG PAGTANGGAL Dapat ay maging madali para sa iyo na malaman mo kung paano magagawang huwag nang pagaganahin o tatanggalin ang isang application. Dapat subukan ng proseso na alisin ang mga sapat na sangkap upang huwag nang paganahin ang lahat ng mga function ng application, nakikita man o hindi, nang hindi ginugulo ang iyong computer. Sa sandalin ang isang application ay hindi na pinagana o tinanggal, hindi ito dapat manatiling aktibo o di kaya'y awtomatikong paganahin sa susunod nang mag-isa o sa pamamagitan ng isa pang application. MALINAW NA PAG-UUGALI Ang mga application na nakaka-apekto o nakakapagpabago sa iyong karanasan bilang gumagamit ay dapat na linawin na sila ang dahilan para sa mga pagbabagong iyon. Halimbawa, kung ang isang application ay bumukas sa isang window, ang window na iyon ay dapat na tumukoy sa isang application na mananagot para dito. Ang mga appliation ay hindi dapat na sadyang itatago ang kanilang sarili sa ilalim ng mga iba’t-iba at nakalilitong pangalan. Dapat kang mabigyan ng paraan upang makontrol ang application sa isang direktahang paraan, tulad ng pag-click sa mga makikitang sangkap na binuo ng application. Kung ang isang application ay nagpakita sa iyo ng mga patalastas, kailangan ay malinaw nitong mamarkahan ang mga ito bilang pagpapatalastas at ipagbigay-alam sa iyo na nanggaling sila sa application na iyon. Kung ang isang application ay nagsagawa ng isang pagbabagong dinisenyo upang maapektuhan ang karanasan ng gumagamit ng iba pang mga application (tulad ng pagtatakda ng iyong home page) sa gayon ay ang mga pagbabagong iyon ay kailangang linawin sa iyo. SNOOPING Kung ang isang application ay kumokolekta o nagpapadala ng iyong personal na impormasyon tulad ng iyong address, dapat mo itong malaman. Naniniwala kami na dapat na hingin nang tuwiran ang iyong pahintulot sa isang paraan na halata at malinaw na nagpapahayag kung ano ang impormasyon na kukunin o ipapadala. Para sa karagdagang detalye, dapat ay madaling makakatagpo ng isang patakaran sa pagkapribado na nagbubunyag kung paano gagamitin ang impormasyon at kung ito ay ipamamahagi sa mga ikatlong partido. PAGPAPANATILI NG MABUBUTING KASAMAHAN Ang mga application provider ay hindi dapat pumayag na maitumpok ang kanilang mga produkto sa mga application na hindi sumusunod sa mga alituntuning ito. Maraming mga gumagamit ng internet ang nakakatuklas na sa paglaon ang kani-kanilang mga computer ay nakakargahan ng hindi-ginustong software – maging ito man ay adware, spyware o simpleng junk. Ito ay sapagkat may ilang mga application na kanilang nai-install ang may kasamang junk, at ang junk ay nagdulot ng karagdagang junk na nagkapatong-patong. Naniniwala kami na ang alinmang sitwasyon kung saan ay maraming mga appliation ang ini-install ay kailangang gawing napakalinaw sa mga gumagamit, upang kung tatanungin mo sila makalipas ang ilang mga buwan - "Ano ito?" - malalaman ng karamihan kung saan ito nanggaling at bakit iyon nandoon. Karaniwan ay mayroong mga kumplikadong ugnayan sa pagnenegosy sa pagitan ng mga kumpanyang lumalahok sa isang tumpok o bundle. Dahil dito ang mga kumpanyang nagmamagandang loob ay maaaring makinabang sa pamamahagi o kita na makukuha ng software na hindi mo napapakinabangan. Ang mabayaran upang mag-distribute, o magbayad ng pera upang mai-distribute kasama ang hindi kanais-nais na software ay nagbibigay-daan sa mas maraming mga hindi kanais-nais na software. Ang responsableng mga gumagawa ng software at tagapagpatalastas ay maaaring magtulungan upang maiwasan ang ganoong pamamahagi sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga ganitong uri ng ugnayan sa pagnenegosyo, kahit na sa tulong ng mga tagapamagitan. Nababahala kami sa laki ng problema, na aming tinatantya na may kakasangkot Sa daan-daang milyong mga dolyar taun-taon. Sanhi ng laki nito at epekto sa gumagamit, kailangang magsagawa ng matinding pagkilos ang industriya. Naniniwala kami na nasa ikabubuti ng aming mga gumagamit at ng industriya na pagsikapang mapuksa ang problemang ito. Sa kadahilanang ito, magsusumikap kaming maipamahagi ang aming software nang magkakatumpok lamang kung saan ay sumusunod ang lahat ng mga application sa mga alintuntuning nasa taas, at sa tingin namin ay makikinabang ang mga gumagamit ganoon din ang gagawin ng iba sa ating industriya. Upang makasali sa laban sa mapaglinlang na Internet software o para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang http://stopbadware.org. Ang StopBadware.org ay isang independenteng kampanya para sa "Neighborhood Watch" na naglalayong labanan ang malicious software. Ang StopBadware.org ay naghahangad na makapagdulot ng maaasahan at walang-kinikilingang imormasyon ukol sa mga maida-download na application upang makatulong sa mga parokyano na makapagsagawa ng mga mas mabubuting pasya ukol sa kani-kanilang mga idina-download sa kani-kanilang mga computer. Paunawa: Kung sa tingin mo ay mayroon kang nakakapanlinlang na application sa iyong computer, o kung gusto mo lamang makatiyak, mayroong ilang mga program na maaaring makatulong sa iyo. Ang Spybot Search and Destroy, Ad-aware ng LavaSoft, at CWShredder ay ang madalas na ginagamit. Ang mga programang ito aym aaaring makapagtanggal ng mga pinaka-karaniwang nakakahamak na application, bagaman iniuulat ng aming mga gumagamit na maaaring kailanganin mong subukan ang higit sa isa sa mga ito at mahalagang mayroon kang mga pinakabagong bersyon. naipaskil: Mayo 18, 2004nai-update: Hunyo 23, 2006 |
![]() | ©2009 Google - Home - Ukol sa Google - Patakaran sa Pagkapribado - Mga Tuntunin ng Serbisyo |