![]() |
Impormasyon sa Kumpanya |
|
|
Pangkalahatang-silip ng TeknolohiyaAng Google ay nag—isa sa pagtutok nito sa pagbuo ng "perpektong search engine," na tinukoy ng co-founder na si Larry Page bilang isang bagay na "nauunawaan mismo kung ano ang iyong ibig sabihin at ibinabalik sa iyo kung ano mismo ang kailangan mo." Sa layong iyon, patuloy na hinanap ng Google ang mga makabagong ideya at tumanggi itong tanggapin ang mga limitasyon ng mga kasalukuyang modelo. Bilang resulta, nabuo ng Google ang sarili nitong serving infrastructure at bagong-tuklas na teknolohiya ng PageRank™ na binago ang paraan ng pagsasagawa ng mga paghahanap. Mula’t sapul nakilala ng mga developer ng Google na ang pagdudulot ng pinakamabilis at pinakawastong resulta ay nangangailangan ng isang bagong uri ng server setup. Bagaman karamihan sa mga search engine ay nagpatakbo ng ilang mga malalaking server na kadalasan ay bumabagal kapag peak load, ang Google ay gumamit ng mga naka-ugnay na PC upang agad na mahanap ang sagot ng bawat query. Ang makabagong ideya na ito ay nagbunga sa mas mabibilis na oras ng pagtugon, mas higit na kakayahang magbago ng kalakihan at mas mababang gastos. Ito ay isang ideya na kinopya na ng iba, habang patuoy na pinipino ng Google ang teknolohiya nito sa back-end upang gawin itong mas mabisa. Ang software sa likod ng teknolohiya ng Google sa paghahanap ay nagsasagawa ng isang serye ng sabay-sabay na mga pagkakalkula na nangangailangan lamang ng isang bahagi ng isang segundo. Ang mga tradisyonal na search engine ay umaasa nang malaki sa kung gaano kadalas lumilitaw ang isang salita sa isang web page. Gumagamit ang Google ng PageRank™ upang suriin ang buong link structure ng web at tukuyin kung aling mga page ang pinakamahalaga. Pagkatapos ay nagsasagawa ito ng hypertext-matching analysis upang tukuyin kung aling mga page ang may kinalaman sa mismong isinasagawang paghahanap. Sa pamamagitan ng pagsasanib ng pangkalahatang kahalagahan at kaakmaang may kinalaman sa query, nagagawa ng Google na unahin ang mga resultang pinaka-akma at pinaka-maaasahan.
Ang mga makabagong-likha ng Google ay hindi humihinto sa desktop. Upang maidulot ang wasto at mabilis na mga resulta nito sa paghahanap sa mga gumagamit na pinupuntahan ang web sa pamamagitan ng mga aparatong nabibitbit, pinasimunuan din ng Google ang unang wireless na teknolohiya sa paghahanap para sa agarang pagsasalin ng HTML sa mga format na sinulit para sa WAP, i-mode, J-SKY, at EZWeb. Sa kasalukuyan, idinudulot ng Google ang teknolohiya nito sa iba’t-ibang mga pinuno sa merkado, kabilang ang AT & T Wireless, Sprint PCS, Nextel, Palm, Handspring, at Vodafone, bukod sa iba pa. Buhay ng isang Google QueryAng tagal ng buhay ng isang Google query ay karaniwang mas mabilis sa kalahati ng isang segundo, subalit kasangkot nito ang ilang iba’t-ibang mga hakbang na kailangang makumpleto bago maihatid ang mga resulta sa isang taong humahangad ng impormasyon.
|
|||||||||||||||
![]() | ©2009 Google - Home - Ukol sa Google - Patakaran sa Pagkapribado - Mga Tuntunin ng Serbisyo |