Paggamit ng Google Marker
Binibigyan ka ng kakayahan ng Google Marker na magdagdag at maglagay ng label sa mga site sa iyong Pasadyang Search Engine. Pakitandaan na kailangang mayroon ka nang nalikha o nakapag-sign up upang makasama sa Pasadyang Search Engine upang magamit ang Marker ng Google sa isang Pasadyang Search Engine.
Kung ikaw ay handa na, idagdag lamang ang Google Marker link sa ibaba sa iyong browser toolbar.
- Mga gumagamit ng Firefox : I-drag ang marker papunta sa Toolbar ng Bookmarks
- Mga user ng Internet Explorer: Mag-right-click sa marker, pagkatapos, piliin ang "Idagdag sa Mga Paborito" > "Mga Link."
Ngayon, kapag nasa site ka na o pahina na iyong nais na isama o ibukod sa iyong Pasadyang Search Engine, mag-click sa link na 'Google Marker' sa toolbar ng iyong browser.

Pumili sa Marker kung iyong nais na isama o ibukod ang buong site o tanging ang iyong binibisitang site lamang. Papayagan ka rin ng iyong Marker ng Google na pumili ng anumang mga label ng pagpapapino na nalalapat sa iyong Pasadyang Search Engine na iyong magagamit upang i-annotate ang site.

