Ang Patakaran sa Privacy ng Google ay naglalarawan kung paano namin itinuturing ang personal na impormasyon kapag ginagamit mo ang mga produkto at serbisyo ng Google, kabilang ang impormasyong idinulot kapag gumamit ka ng Google Calendar. Bukod dito, inilalarawan ng mga sumusunod ang aming mga gawi sa pagkapribado na para mismo sa Google Calendar.
Personal na impormasyon
- Mga impormasyon at setting ng account. Upang magamit ang Google Calendar, kailangan mo ng isang Google Account. Humihingi ang Google ng ilang personal na impormasyon kapag nagpalista ka upang lumikha ng isang Google Account, kabilang ang iyong email address at isang password, na ginagamit upang maprotektahan ang iyong account mula sa di-awtorisadong pag-access. Ang Google Account ay nagbibigay-daan sa iyo na ma-access ang marami sa aming mga serbisyo na nangangailangan ng pagrehistro. Kung mayroon ka nang Google account, baka hingan ka namin ng kaunting impormasyon upang maitakda ang iyong mga kalendaryo, tulad ng iyong pangalan, nais na default na wika, at time zone.
- Mga istatistika sa paggamit. Maaari kaming magtala ng impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng Google Calendar, tulad ng kung kailan at kung gaano katagal mo ginamit ang serbisyo, ang dalas at laki ng mga file transfer, at anng bilang ng mga kaganapan at kalendaryong nililikha mo. Ang impormasyon na ipinapakita o naki-click sa iyong account sa Google Calendar (kabilang ang mga sangkap ng UI, ad, link, at iba pang impormasyon) ay tinatala din para sa mga layuning inilarawan sa ibaba. Tuwing siyamnapung araw, kung hindi man mas madalas, ay tuluyan naming tinatanggal ang mga istatistika sa paggamit na kaugnay sa iyong paggamit ng Google Calendar. Itinatabi namin ang impormasyong ito nang lampas sa 90 araw sa anyong sama-sama lamang.
- Mga kalendaryo at kaganapan Maaari kang maglikha ng higit sa isang kalendaryo, at ang bawat isa ay naglalaman ng mga kaganapan. Ang mga kaganapan sa bawat kalendaryo at ang lahat ng nilalaman na kaugnay sa isang kaganapan — kabilang ang ngunit hindi lamang limitado sa impormasyon tulad ng mga komento, tugon ng bisita, at paglalarawam — ay naka-imbak at pinapanatili sa mga server ng Google.
- Mga paanyaya at abiso ng kaganapan Upang mapamahalaan ang iyong mga paanyaya, kapag nag-anyaya ka ng ibang tao sa mga kaganapan sa Kalendaryo, kami ay nangongolekta at nagpapanatili ng impormasyon na kaugnay sa mga paanyayang iyon, kabilang ang mga email address, petsa at oras ng mga kaganapan, at anumang mga tugon mula sa mga bisita.
- Kapag nagpapadala ka at tumatanggap ng mga mensaheng SMS sa o mula sa Google, kinokolekta namin at pinapanatili ang mga impormasyong kaugnay sa mga mensaheng iyon, tulad ng numero ng telepono, ang wireless carrier na kaugnay ng numero ng telepono, ang nilalaman ng mensahe, at ang petsa at oras ng transaksyon.
Mga pakinabang
- Ang mga computer ng Google ay nagsasaproseso ng impormasyon sa iyong mga kalendaryo upang maialok sa iyo ang pinakamahusay na serbisyo hangga't maaari, kabilang ang pag-format at pagpapakita ng impromasyon sa iyo, at paghahatid ng mga kaugnay na impormasyon (tulad ng mga kaugnay na link).
- Kapag nag-anyaya ka ng ibang tao sa mga kaganapan sa Calendar, ang iyong pangalan sa Google Account ay kikilalanin sa abiso.
- Depende sa iyong mga kagustuhan sa pagbahagi na pipiliin mo para sa iyong mga kalendaryo o indibidwal na kaganapan, ang iyong pangalan at iba pang impormasyon na kaugnay sa isang kaganapan ay maaaring ma-access lamang ng iba.
- Maaari kang padalhan ng Google ng impormasyon na kaugnay sa iyong account sa Google Calendar o iba pang mga serbisyong Google.
Ang iyong mga pinili
- Ang Google Calendar ay nagbibigay sa iyo ng mga mapagpipilian para sa kung magbabahagi ka ba sa ibang tao ng iyong impormasyon sa kaganapan, at kung gaano karami. Ang Google Calendar ay nagbibigay-daan sa iyo upang ang lahat o bahagi ng iyong mga kalendaryo ay magiging (1) pribado at mapupuntahan ng iba pang mga gumagamit (2) mapupuntahan lamang ng ilang mga tao na pipiliin mo, o (3) mapupuntahan ng publiko sa pangkalahatan, kabilang ang sa pamamagitan ng Google web search.
- Maaari mong palitan ang mga kagustuhang ito sa pagbahagi at pag-access, at lahat ng iba pang mga kagustuhan at setting sa Google Calendar, anumang oras sa pamamagitan ng iyong account.
- Maaari mong baguhin at tanggalin ang mga kaganapan na iyong nilikha sa iyong mga Kalendaryo. Ang mga kaganapan na kung saan ay nag-anyaya ka ng ibang mga tao ay maaaring patuloy na mailagay sa kani-kanilang mga kaganapan sa kalendaryo matapos na silang matanggal mula sa sarili mong kalendaryo.
- Sanhi ng paraan ng aming pagpapanatili ng serbisyong ito ang ganoong pagtanggal ay maaaring hindi agaran, at ang mga natitirang kopya ng iyong impormasyon sa kalendaryo ay maaaring manatili sa aming backup media.
Dagdag impormasyon
Ang Google ay sumusunod sa mga prinsipyo sa pagkapribado ng US Safe Harbor. Para sa
dagdag na impormasyon ukol sa Safe Harbor framework o sa aming pagrehistro, tingnan
ang web site ng Department of
Commerce.
Para sa karagdagang impormasyon ka ukol sa aming mga gawi sa pagkapribado, puntahan
ang buong patakaran sa
prvbacy. Kung mayroon kang mga karagdagang katanungan, mangyaring makipag-ugnayan
sa amin anumang oras . O sumulat sa amin sa:
Privacy Matters
c/o Google Inc.
1600 Amphitheatre Parkway
Mountain View, CA 94043 (USA)