Google

Abiso sa Privacy ng iGoogle

bersyong Hulyo 2009(tingnan ang mga pagbabago)

Inilalarawan ng Patakaran sa Privacy ng Google kung paano namin tinatrato ang personal na impormasyon kapag ginagamit mo ang mga produkto at serbisyo ng Google, kabilang ang ibinigay na impormasyon sa mga produkto na gumagamit ng teknolohiya ng iGoogle ng Google. Bilang karagdagan, inilalarawan ng sumusunod ang aming mga kasanayan sa privacy na partikular sa iGoogle.

Personal na impormasyon

  • Kailangan mo ngGoogle Account upang lumikha ng iGoogle homepage na maa-access mula sa anumang computer na nakakonekta sa Internet. Humihingi ang Google ng ilang personal na impormasyon kapag lumikha ng Google account, kabilang ang iyong email address at password, na ginagamit upang maprotekahan ang iyong account mula sa walang pahintulot na pag-access. Hinahayaan ka ng Google Account upang ma-access ang karamihan sa aming mga serbisyo na nangangailangan ng pagrerehistro.
  • Maaari ka ring lumikha ng iGoogle homepage na naa-access lamang mula sa iyong computer, gamit ang nakaimbak na mga kagustuhang setting sa cookie.
  • Maaari mong piliing magsumite ng karagdagang impormasyon upang mai-personalize ang iyong homepage (tulad ng zip code upang mai-customize ang iyong weather forecast).
  • Kapag ginagamit mo ang iGoogle, awtomatikong itinatala ng mga server ng Google ang impormasyon sa pag-log na maaaring magsama ng impormasyon tungkol sa iyong mga setting ng kagustuhan.

Mga Gamit

  • Pinapanatili at ipinoproseso ng Google ang personal na impormasyon upang maibigay ang iyong personalized na homepage at iba pang mga serbisyo. Iiimbak sa cookie ng iyong computer ang impormasyong ito at ipapadala sa Google kapag hiniling mo ang pahina kung nag-set up ka ng pahina nang walang nauugnay na Google Account, o naililipat sa mga server ng Google at secure na naiimbak nang may kaugnayan sa iyong impormasyon sa Google Account kung naka-sign in ka sa iyong Google Account.

Ang iyong mga pagpipilian

  • Maaari mong tanggalin ang iyong Google Account anumang oras gaya ng tinukoy dito.
  • Maaari mong baguhin o tanggalin ang mga setting ng kagustuhan sa iyong iGoogle Account anumang oras gaya ng tinukoy sa aming iGoogle Help Center. Tandaan na kapag isinara mo ang ilang mga seksyon ng iyong personalized na homepage, tulad ng Mga Bookmark, ang iyong mga setting ay maise-save pa rin at muling lilitaw kung idinagdag ang seksyong iyon pabalik sa iyong homepage sa ibang pagkakataon.
  • Maaari mong tanggalin ang iyong cookie gamit ang iyong mga kagustuhang nakaimbak sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin para sa pagtatanggal ng cookies sa iyong browser.

Pagbabahagi ng Impormasyon

  • Ang karamihan sa mga gadget at tema ng iGoogle ay ibinigay ng mga third party, hindi ng Google, na maaaring makatanggap at magproseso ng iyong mga kahilingan at mga setting ng kagustuhan para sa gadget o temang iyon upang maibigay ang kanilang serbisyo. Sa ilang mga kaso, ang iba pang impormasyon kabilang ang isa o higit pa sa iyong Google cookies ay maaari ring teknikal na magagamit ng third party, bagamat ang mga third party ay pinagbabawalan ng kontrata mula sa pag-access ng iyong mga Google cookies o iba pang impormasyong hindi nauugnay sa gadget o tema na ibinigay nila. Ang paggamit ng iyong impormasyon ng mga third party na ito ay hindi sakop ng Patakaran sa Privacy na ito. Ang Mga Gadget at Tema na ginawa ng Google ay nilagyan ng label na logo na "Ng Google" sa direktoryo ng gadget.
  • Hinahayaan ka ng ilang mga gadget ng iGoogle na magbahagi ng impormasyon, mga update at aktibidad sa iyong mga kaibigan. Nilagyan ng label ang mga social gadget na ito ng social icon. Maaari mong makontrol kung anong impormasyon ang ibinabahagi ng mga gadget na ito sa iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng mga tagubilin sa tulong ng Googlena ito.
  • Maaari mong maibahagi ang mga pinagsama-samang istatistika tungkol sa gamit ng iGoogle sa aming mga kasosyo sa negosyo. Hindi namin ibabahagi ang personal na impormasyon sa pagkilala sa mga kasosyong ito o anumang mga third party na walang pahintulot mo, maliban kung sa ilalim ng limitadong mga pangyayari na tinukoy sa Patakaran sa Privacy ng Google.

Higit pang impormasyon

Sumusunod ang Google sa US Safe Harbor privacy principles. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa balangkas ng Safe Harbor o aming pagrerehistro, tingnan ang web site ng Department of Commerce.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming mga kasanayan sa privacy, pumunta sa kumpletong patakaran sa privacy. Para sa mga katanungan tungkol sa produkto o sa iyong account, pakitingnan ang pahina ng Google Help.