Kumpanya
Ang layunin ng Google ay upang isaayos ang impormasyon ng mundo at gawin itong pangkalahatang naa-access at kapaki-pakinabang.
Simula noong 1996, ang mga graduate student ng Stanford University na sina Larry Page at Sergey Brin ay bumuo ng search engine na tinatawag na “BackRub” na gumamit ng mga link upang matukoy ang kahalagahan ng mga indibidwal na web page. Noong 1998 naisapormal nila ang kanilang trabaho, nililikha ang kumpanya na kilala mo ngayon bilang Google.
Simula noon, mabilis na lumaki ang Google. Mula sa pag-aalok ng paghahanap mula sa isang wika nag-aalok na kami ngayon ng dose-dosenang produkto at serbisyo—kabilang ang iba't ibang anyo ng pag-advertise at web application para sa lahat ng mga uri ng mga gawain—sa maraming wika. At simula sa dalawang estudyante ng computer science sa isang silid ng dorm ng pamantasan, mayroon na kami ngayong libu-libong empleyado at tanggapan sa buong mundo.
Sa mga pahinang ito, maaari kang makahanap ng higit pang impormasyon tungkol sa mga produkto at serbisyo ng Google, ng aming mga prinsipyo, kasaysayan, kultura ng kumpanya at higit pa. Maraming nagbago simula noong lumitaw ang unang search engine ng Google. Ngunit hindi nagbago ang ilang bagay: ang aming pagtuon sa aming mga user at aming paniniwala sa mga posibilidad ng Internet mismo.
Aming pangalan
Pinangalanan ng mga tagapagtatag na sina Larry Page at Sergey Brin ang search engine na kanilang binuo na “Google,” isang laro sa salitang “googol,” ang terminong pangmatematika para sa 1 na sinundan ng 100 zero. Sinasalamin ng pangalan ang napakalawak na dami ng impormasyon na umiiral, at ang saklaw ng layunin ng Google: upang isaayos ang impormasyon ng mundo at gawin itong pangkalahatang naa-access at kapaki-pakinabang.

Unang doodle ng logo ng Google para sa Burning Man festival, Agosto 1998.

Doodle ng logo ng Google para sa kaarawan ni Robert Louis Stephenson, Nobyembre
2010.
Para sa higit pang mga doodle, bisitahin ang google.com/logos
Paghahanap
Paano Gumagana ang Paghahanap sa Google
Kapag bibisitahin mo ang www.google.com o isa sa mahigit sa 180 iba pang mga domain ng Google, makakahanap ng impormasyon sa maraming iba't ibang wika, makakatingin ng mga stock quote at marka sa sports, makakahanap ng mga headline ng balita at mahahanap ang address ng iyong lokal na post office o grocery store. Makakahanap ka rin ng mga larawan, video, mapa, patent at higit pa. Sa pangkalahatang teknolohiya sa paghahanap, maaari mong makita ang lahat ng mga item na ito na pinagsama-sama sa isang pahina ng resulta para sa iyong query, at mga serbisyo gaya ng personalized na paghahanap nakakatulong sa iyong maghanap ng higit pang impormasyong ipinasadya sa iyong mga interes. Nagsusumikap din kami na i-digitize ang ilan sa impormasyon ng mundo na wala pa sa online noon, tulad ng mga aklat.
Ang paghahanap ay kung paano nag-umpisa ang Google, at nasa puso pa rin ito ng kung ano ang ginagawa namin ngayon. Naglalaan kami ng higit na oras ng engineering upang maghanap kaysa sa anumang iba pang produkto, dahil ang paghahanap ay maaaring maging mas mahusay at mas mabilis anumang oras sa pagtulong sa iyong mahanap kung ano ang nais mo, kailan mo ito nais, saan mo ito nais.
Mga Ad
Paano Gumagana ang Mga Ad
Binubuo ng Google ang karamihan sa aming kita sa pamamagitan ng pag-aalok ng nasusukat, sulit sa halaga at ganap na may-katuturang pag-advertise. Layuning naming maging kapaki-pakinabang sa iyo ang mga ad na iyong nakikita sa Google tulad ng pagiging kapaki-pakinabang ng mga ito sa mga advertiser—upang maging makabuluhang uri ng impormasyon ang mga ito sa sariling paraan ng mga ito.
Tinutukoy namin ang mga ad mula sa mga resulta ng paghahanap o iba pang nilalaman sa isang pahina sa pamamagitan ng paglalagay ng label sa mga ito bilang “mga naka-sponsor na link” o “Mga Ad ng Google.” Hindi kami nagbebenta ng placement ng ad sa aming mga resulta ng paghahanap, o pinapayagan ang mga taong magbayad para sa mas mataas na pagraranggo doon.
Libu-libong advertiser ang gumagamit ng Google AdWords at aming iba pang mga serbisyo kabilang ang mobile advertising at display advertising sa Display Network ng Google at gumagamit ng aming teknolohiyang DoubleClick. Libu-libong kasosyo ng publisher, malaki at maliit, ang sumusulit sa mga tool tulad ng Google AdSense upang bumuo ng kita mula sa kanilang nilalaman. Upang tulungan ang mga taga-market na suriin ang kanilang mga kampanya upang maging mas mahusay at mabisa ang mga ito, nag-aalok kami ng mga tool sa pagsusukat tulad ng Google Analytics.
Apps
Paano Gumagana ang Apps
Ginawang mas simple ng mga web application (“apps”) para sa mga taong magbahagi ng impormasyon at tapusin ang mga bagay nang magkakasama. Tumutulong ang Gmail, Google Calendar at Google Docs sa mga tao na makipag-ugnay at makipagtulungan nang mas madali, kung sa pagpaplano man ng kasal o pagbubuo ng itinerary sa negosyo. Idinisenyo namin ang Google Apps, ang bersyon ng negosyo ng mga tool na ito, na maging sapat na malakas para sa malalaking negosyo (ginagamit namin ito sa lahat ng aming kumpanya, sa katunayan) ngunit sapat na simple din para sa maliliit na negosyo.
Sa apps, iniimbak ang iyong impormasyon nang secure sa online, “sa cloud,” na naa-access mula sa anumang device na mayroong koneksyon sa web. Dahil nanatili ito sa online, madaling magbahagi ng mga dokumento sa isang pangkat ng mga collaborator, at ang lahat ng tao ay maaaring magtrabaho sa parehong materyal sa parehong oras, mula sa iba't ibang lokasyon. At sa halip na kailangang panatilihin ang iyong software, palagi kang magkakaroon ka ng pinakabagong bersyon ng app upang makatuon ka sa iyong trabaho.
Panghuli, matatag kaming naniniwala na sa web, pagmamay-ari mo ang iyong data, at dapat na nadadala mo ito: kapag ginagamit mo ang Google Apps, ma-e-export mo ang lahat ng iyong mail, mga dokumento, mga larawan o mga entry sa kalendaryo sa tuwing gugustuhin mo.
Higit Pa
Alam namin na sa tuwing maghahanap ka sa web nais mo itong maging mabilis hangga't maaari, sa lahat ng iyong mga paboritong website, kaya nag-aalok kami ng software tulad ng Google Chrome upang tulungan kang i-browse ang web nang mabilis at madali. At dahil dapat na magawa mong i-access ang lahat ng mga serbisyo ng Google nasaan ka man—kahit na wala kang computer sa malapit—ginagawa naming madali para sa iyo na gamitin ang iyong mga paboritong produkto ng Google, tulad ng Google Maps o Gmail, mula mismo sa iyong telepono.
Nagsusumikap din kaming maghatid ng pagbabago upang mas maraming tao ang makagamit ng mas mahusay at mas murang mga mobile device upang i-access ang Internet. Sa Open Handset Alliance, binuo namin ang Android, ang unang ganap na bukas na platform ng mundo na maaaring gamitin ng sinumang nag-develop ng mobile at maaaring i-install ng sinumang gumagawa ng hardware sa isang device.
Noong 2006, nakuha namin ang YouTube, na hinahayaan ang bilyun-bilyong tao na tumuklas, manood at magbahagi ng mga orihinal na video pati na rin ng propesyunal na nilalaman. Maaaring makibahagi ang mga lumilikha ng nilalaman at mga advertiser malaki at maliit sa kitang binubuo ng kanilang mga manonood at tagahanga. Bawat araw sa YouTube, kinokonekta, binibigyang-kaalaman at binibigyang-inspirasyon ng mga tao sa buong mundo ang iba pa sa pamamagitan ng video.
Isang sulyap lamang ito ng kung ano ang ginagawa namin. Alamin ang tungkol sa lahat ng mga serbisyo ng Google sa pahina na higit pa na ito.
