Bilang karagdagan sa pagbibigay ng madaling pag-access sa bilyong mga web page, ang Google ay maraming espesyal na mga tampok upang makatulong sa iyong mahanap nang eksakto kung ano ang hinahanap mo. Ilan sa aming mga pinakapopular na tampok ay nakalista sa ibaba.

Upang makita ang panahon sa maraming lungsod sa U.S. at sa buong mundo, ipasok ang "panahon" na sinusundan ng lungsod at estado, zip code sa U.S., o lungsod at lalawigan.

Upang makita ang mga score at iskedyul para sa mga sports team, i-type ang pangalan ng team at liga sa box para sa paghahanap Lahat ng data ng sports ay inilaan ng STATS, Inc.

Upang gamitin ang built-in na pagpapagana sa calculator sa Google, ipasok lamang ang kalkulasyong nais mong gawin sa search box.
Magagamit mo ang Google para magsalin ng iba't ibang mga yunit ng panukat ng taas, timbang at bigat kasama ng iba pa. Ipasok lamang ang nais mong pagsasalin sa search box at kami na ang bahala.
Awtomatikong sinusuri ng software ng Google sa pagsusuri ng pagbabaybay kung gumagamit man ang query mo ng pinakakaraniwang pagbabaybay ng piling salita. Kung sa tingin nito ay malamang na mas makabuo ka ng mas mahusay na resulta gamit ang isang kahaliling pagbabaybay, magtatanong ito "Ang ibig mo bang sabihin ay: (mas karaniwang pagbabaybay)?". I-click ang iminungkahing pagbabaybay upang ilunsad ang paghahanap sa Google para sa term na iyon.
Upang gamitin ang aming built-in na converter ng salapi, ipasok lamang ang conversion na nais mong gawin sa Google search box at ibibigay namin sa iyo ang sagot nang direkta sa pahina ng mga resulta.
Naghahanap ng mapa? Ipasok ang pangalan o U.S. zip code ng isang location at ang salitang "mapa" at magbabalik kami ng mapa ng lokasyong iyon. Ang pag-click sa mapang iyon ay magdadala sa iyo sa mas malaking bersyon sa Google Maps.