Google
 iGoogle Privacy Notice

iGoogle

Help

Privacy Policy

Paunawa ng Pagkapribado ng iGoogle

Enero, 2006

Inilalarawan ng Patakaran sa Pagkapribado ng Google kung papaano namin tinuturing ang personal na impormasyon kapag ginamit mo ang mga produkto at serbisyo ng Google, kabilang ang inilaang impormasyon sa mga produkto na gumagamit ng teknolohiyang iGoogle ng Google. Bukod dito, inilalarawan ng sumusunod ang aming mga gawi sa pagkapribado na likas sa iGoogle.

Personal na impormasyon

  • Kailangan mo ng isang Google Account upang lumikha ng isang homepage na iGoogle na magagamit sa anumang computer na nakakonekta sa Internet. Ang Google ay hihiling ng ilang personal na impormasyon kapag lumikha ka ng isang Google Account, kabilang ang iyong email address at isang password, na siyang ginagamit upang protektahan ang iyong account mula sa hindi awtorisadong paggamit. Pahihintulutan ka ng isang Google Account na magamit ang marami naming mga serbisyo na kinakailangan ng pagrehistro.
  • Maaari ka din lumikha ng isang homepage na iGoogle na magagamit lamang sa iyong computer, na mayroong mga setting ng kagustuhan na naka-imbak sa isang cookie.
  • Maaari kang magpasya na magsumite ng karagdagang impormasyon upang maisapersonal ang iyong homepage (gaya ng isang zip code upang maipasadya ang iyong taya ng panahon).
  • Kapag ginamit mo ang iGoogle, awtomatikong ire-rekord ng mga server ng Google ang impormasyon ng log kung saan ay maaaring isama ang impormasyon tungkol sa iyong mga setting ng kagustuhan.

Mga gamit

  • Pinanatili at pinoproseso ng Google ang personal na impormasyon upang maibigay ang iyong isinapersonal na homepage at iba pang mga serbisyo. Ang impormasyong ito ay i-iimbak sa isang cookie sa iyong kagamitan at ipadadala sa Google kapag hiniling mo ang pahina kung nakapag-set up ka ng pahina nang walang kasamang Google Account, o naipadala sa mga server ng Google at ligtas na naimbak bilang pagsasanib sa impormasyon ng iyong Google Account kung ikaw ay naka-sign in sa iyong Google Account.

Ang iyong mga pagpipilian

  • Maaari mong tapusin ang iyong Google Account sa anumang oras gaya ng inilalarawan dito.
  • Maaari mong baguhin o tanggalin ang mga setting ng kagustuhan sa iyong iGoogle Account sa anumang oras gaya ng naisalarawan sa aming iGoogle Help Center. Tandaan na kapag isinara mo ang ilang seksyon ng iyong isinapersonal na homepage, gaya ng Bookmarks, ang iyong mga setting ay naka-save pa rin at muling lilitaw kung ibabalik mo ang seksyon na iyon sa iyong homepage sa bandang huli.
  • Maaari mong tanggalin ang iyong cookies sa iyong mga kagustuhang naka-imbak sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa pagtanggal ng cookies sa iyong browser.

Pagbabahagi ng Impormasyon

  • Ang ilang mga seksyon ng iGoogle ay inilaan ng mga ikatlong partido, na siyang maaaring tumanggap at magproseso ng iyong mga kahilingan at mga setting ng kagustuhan upang maibigay ang kinalang serbisyo. Sa ilang mga kaso, ang iba pang impormasyon kabilang ang isa o higit pa sa iyong mga Google cookies ay maaari ding makukuha ng ikatlong partido kung tutuusin, bagaman ang mga ikatlong partido ay pinagbabawalan ayon sa kontrata mula sa paggamit ng iyong Google cookies o iba pang impormasyon na hindi kaugnay sa seksyon na kanilang inilaan. Kapag nagdagdag ka ng isa ng mga seksyon na ito sa iyong pahina, ipapaalam namin sa iyo. Ang paggamit ng iyong impormasyon ng mga ikatlong partidong ito ay hindi pinamamahalaan ng Patakaran ng Pagkapribado na ito.
  • Maaari naming ibahagi ang mga pinagsama-samang istatistika tungkol sa pag-gamit ng iGoogle sa aming mga kasosyo sa negosyo.  Hindi namin ibabahagi ang impormayong personal na magpapakilala sa mga kasosyong ito o sinumang mga ikatlong partido, maliban kapag saklaw ng mga makitid na sitwasyon na inilalarawan sa Patakaran sa Pagkapribado ng Google.

Marami pang Impormasyon

Ang Google ay sumusunod sa mga prinsipyo ng pagkapribado ng US Safe Harbor. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa balangkas ng Safe Harbor o sa aming pagrehistro, tingnan ang web site ng Kagawaran ng Komersyo.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga gawi sa pagkapribado, pumunta sa buong patakaran ng pagkapribado. Para sa mga tanong hinggil sa produkto o sa iyong account, mangyaring tingnan ang pahina ng Google Help.