Ginagawa naming priyoridad ang pagprotekta sa privacy sa pamamagitan ng pagiging malinaw tungkol sa kung anong impormasyon ang kinokolekta namin at paano namin ginagamit ang impormasyon upang magpakita ng mga may-katuturang ad. Pinapadali rin namin sa iyo na tumingin, mamahala, at mag-opt out sa mga personalized na ad sa iba’t ibang serbisyo mula sa mga pag-aari ng Google tulad ng paghahanap, mga third party site ng AdSense, at mga application o client ng Google. Siyempre, hindi namin ibebenta o ibabahagi sa mga third party ang iyong personal na nakakapagpakilalang impormasyon mula sa cookies na naghahatid ng ad nang wala ang iyong pahintulot.
Naghahatid kami ng mga ad sa pamamagitan ng aming programa ng AdWords sa aming sariling mga website, gayundin sa Google Display Network. Naghahatid rin kami ng mga ad sa pamamagitan ng aming mga programa ng AdSense at AdMob sa mga site at serbisyo ng kasosyo na third-party (gaya ng mga application at iba pang mga client). Gumagamit kami ng iba’t ibang pamamaraan upang maghatid ng mga ad na may-katuturan.
Para sa Google Display Network at network ng AdMob, naghahatid kami ng mga ad batay sa nilalaman ng mga site na tiningnan mo o sa ginagamit mong application sa iyong device at maaari ring gumamit ng iba pang kasosyong data upang mag-target ng mga ad. Halimbawa, kung bumisita ka sa isang site sa paghahalaman, ang mga ad sa site na iyon ay maaaring nauugnay sa paghahalaman. Bilang karagdagan, maaari kaming maghatid ng mga ad batay sa iyong mga interes. Habang nagba-browse ka ng mga site ng Google o mga website na nakipagsosyo sa amin o gumagamit at nagda-download ng mga application sa iyong device, maaaring maglagay ng cookies ang Google o hindi kilalang mga tagatukoy (makakita ng higit pa sa mga hindi kilalang tagatukoy sa ibaba) sa iyong browser o sa iyong device upang maunawaan ang mga uri ng pahinang binisita, nilalamang iyong tiningnan o mga application sa iyong mobile device. Batay sa impormasyong ito at/o ginawang hindi nakikilalang kasosyong data, inuugnay ng Google ang iyong cookies o hindi kilalang mga tagatukoy sa mga may-katuturang kategorya ng interes at ginagamit ang mga kategoryang ito upang magpakita ng mga ad na batay sa interes. Halimbawa, kung madalas kang bumibisita sa mga website sa paglalakbay, maaaring magpakita ang Google ng higit pang mga ad na nauugnay sa paglalakbay. O kaya, kung mag-download ka ng application ng golf, maaaring magpakita sa iyo ang Google ng mga ad na nauugnay sa golf. Maaari ring magpakita sa iyo ang Google ng mga ad na nauugnay sa nilalaman ng mga site sa iyong kamakailang kasaysayan ng pagba-browse. Ginagamit rin ng Google ang mga uri ng mga pahina na iyong nabisita, nilalamang iyong natingnan, o mga application sa iyong device upang manghula ng mga demograpiko tulad ng kategorya ng iyong kasarian at edad. Halimbawa, kung ang karamihan sa mga bisita sa mga site na iyong binisita at mga application na na-download ay babae (batay sa pinagsama-samang data ng survey sa pagbisita sa site o paggamit ng application), maaari naming i-ugnay ang iyong cookies at hindi kilalang mga tagatukoy sa kategorya ng demograpiko ng kababaihan.
Bilang karagdagan sa mga ad batay sa mga kategorya ng interes, binibigyang-daan ng Google ang mga advertiser (kabilang ang Google) na magpakita sa iyo ng mga ad batay sa iyong mga nakaraang pakikipag-ugnayan online o sa mga application, gaya ng mga pagbisita sa mga website o application ng mga advertiser. Halimbawa, ang isang taong bumisita sa website o application sa pamimili ng isang online store ng sporting goods ay makakatanggap ng mga ad tungkol sa mga espesyal na alok mula sa store na iyon sa ibang pagkakataon.
Hindi mag-uugnay ang Google ng mga sensitibong kategorya ng interes sa iyong cookies o hindi kilalang mga tagatukoy (gaya ng mga batay sa lahi, relihiyon, sekswal na oryentasyon, kalusugan, o mga sensitibong kategoryang pampinansya), at hindi nito gagamitin ang mga nasabing kategorya kapag nagpapakita sa iyo ng mga ad na batay sa interes.
Kapag naghanap ka ng isang bagay sa Google nang hindi nagsa-sign in sa iyong Google Account, magpapakita ang pahina ng resulta ng paghahanap ng mga resulta at ad na tumutugma sa iyong kasalukuyang mga termino para sa paghahanap at lokasyon. Kung sa tingin namin ay magiging mas may-katuturan ang mga ad, maaari rin kaming gumamit ng mga kamakailang paghahanap para sa may-katuturang mga paksa at mga ad na na-click mo upang magpasya kung aling mga ad ang ipapakita.
Kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account, maaari rin kaming gumamit ng karagdagng impormasyon upang magpasya kung aling mga ad ang ipapakita. Halimbawa, maaari kaming gumamit ng kamakailang nakaraang paghahanap kung sa tingin namin ay maaaring nauugnay ang mga paghahanap, tulad ng paghahanap sa “Quezon City” na sinusundan ng paghahanap ng “mga hotel” – maaari nitong isaad na nais mong makaalam tungkol sa mga hotel sa Quezon City. Gumagamit lang kami ng mga kamakailang paghahanap dahil karaniwang walang saysay ang manghula ng mga koneksyon sa pagitan ng mga paghahanap na lubos na magkalayo ang panahon.
Ang isa pang paraan na maaari kaming mag-personalize ng mga ad sa paghahanap ay sa pamamagitan ng paggamit sa iyong Kasaysayan sa Web ng Google. Halimbawa, kung kamakailan kang nag-click ng isang resulta sa paghahanap para sa isang website ng surfing, at pagkatapos ay naghanap ng “mga bakasyon,” maaari nitong isaad na interesado ka sa mga patutunguhan para sa bakasyon kung saan ka maaaring mag-surf, at maaari kang makakita ng mga ad para sa mga bakasyon sa pagse-surf.
Bukod pa rito, maaari kaming gumamit ng impormasyong sinasabi mo sa amin tungkol sa iyong sarili upang i-personalize ang mga ad sa paghahanap. Halimbawa, ang ilang produkto ay maaaring magbigay sa iyo ng pagkakataong sabihin sa amin na gusto mo talaga ang isang partikular na retailer o brand at magagamit namin ang impormasyong iyon sa ibang pagkakataon upang magpakita sa iyo ng mga ad para sa mga merchant at produkto at serbisyo na sa tingin namin ay magugustuhan mo.
Sa Gmail, lumilitaw ang karamihan sa mga ad na ipinapakita namin sa tabi ng isang bukas na mensaheng email at tumutugma sa mga nilalaman ng iyong email. Kapag nag-personalize kami ng mga ad, nagpapakita kami ng mga ad batay sa mga nilalaman ng lahat ng iyong email. Halimbawa, kung kamakailan kang nakatanggap ng maraming mensahe tungkol sa photography o mga camera, maaari kaming magpakita sa iyo ng isang deal mula sa isang lokal na tindahan ng camera.
Hindi lahat ng ad ay personalized sa iyo sa paghahanap sa Google, Gmail, at iba pang mga pag-aari ng Google. Nagpe-personalize kami ng mga ad kapag lamang sa tingin namin ay pinapahusay ng karagdagang impormasyon ang pagpipilian sa ad para sa iyo.
Gamit ang DoubleClick cookie, nagpapakita rin ang YouTube ng advertising na batay sa interes upang magpakita ng mga may-katuturang ad sa site nito. Ang mga kategorya ng interes ay tinutukoy ng iyong mga pagbisita sa mga website na gumagamit sa aming programa ng AdSense, gayundin ng mga video na hinahanap mo, gustong panoorin, o mga pagkilos na ginagawa mo (gaya ng pag-upload) sa YouTube. Inuugnay ng DoubleClick cookie ang iyong browser sa may-katuturang mga kategorya ng interes at ginagamit ang mga kategoryang ito upang magpakita ng mga ad na batay sa interes. Hindi namin isinasama ang personal na nakakapagpakilalang impormasyon mula sa iyong YouTube account o Google account sa data ng cookie na ginamit upang maghatid ng advertising na batay sa interes nang wala ang iyong pahintulot. Upang matuto nang higit pa, tingnan ang Advertising sa YouTube at Ikaw.
Ang mga kategorya ng interes at demograpikong kategorya ay batay sa mga pagbisita sa mga site sa Google Display Network o iba pang mga serbisyo o application na ginagamit mo o dina-download. Gamit ang Tagapamahala ng Mga Kagustuhan sa Mga Ad para sa mga browser, ma-e-edit mo ang iyong mga kagustuhan sa mga ad sa mga browser sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kategorya ng interes na may-katuturan sa iyo. Gamit ang Tagapamahala ng Mga Kagustuhan sa Mga Ad para sa mga browser at Tagapamahala ng Mga Kagustuhan sa Mga Ad para sa mga application, maaalis mo ang anumang mga kategorya ng interes na hindi nalalapat at hindi na gagamitin ng Google ang mga ito para sa pagpapakita sa iyo ng mga ad na batay sa interes. Mababago mo rin kung aling mga demograpikong kategorya ang nauugnay sa iyong cookies o hindi kilalang mga tagatukoy. Kapag na-edit mo ang iyong mga kagustuhan sa ad, maaaring hindi kaagad magkabisa ang iyong bagong mga setting, dahil matagal bago maproseso ang pagbabago sa aming mga system.
Kung mas gusto mong huwag makatanggap ng advertising na batay sa interes sa mga web browser, anumang oras ay maaari mong i-click ang button na “Mag-opt out” sa Tagapamahala ng Mga Kagustuhan sa Mga Ad. Kapag ina-access mo ang web sa pamamagitan ng isang web browser, nag-aalok din ang Google ng ilang pagpipilian upang permanenteng i-save ang iyong mga setting ng pag-opt-out sa iyong browser. Pagkatapos mong mag-opt out, hindi na mangongolekta ang Google ng impormasyon ng kategorya ng interes at hindi ka na makakatanggap ng mga ad na batay sa interes sa pamamagitan ng Google kapag ina-access ang web sa pamamagitan ng isang web browser. Makikita mo pa rin ang parehong bilang ng mga ad tulad ng dati, at maaari pa ring magpakita ang Google ng may-katuturang mga ad batay sa nilalaman ng isang web page, o iba pang hindi personal na impormasyon. Halimbawa, kung bumisita ka sa isang site sa paghahalaman, matutukoy ng Google ang nilalaman ng site at maaaring awtomatikong magpakita ng mga ad na nauugnay sa paghahalaman sa lahat ng bisita nang hindi gumagamit ng cookie. Bukod pa rito, sa tuwing naghahatid kami ng ad sa paghahanap sa Google o sa mga site ng aming mga kasosyo sa AdSense para sa paghahanap, maaaring batay pa rin ang mga ad na ipinapakita sa mga termino para sa paghahanap na iyong inilagay.
Kung mas gusto mong huwag makatanggap ng advertising na batay sa interes sa mga application at iba pang mga client na gumagamit ng hindi kilalang mga tagatukoy, maaari kang mag-opt out anumang oras gamit ang naaangkop na tagapamahala ng kagustuhan.
Ang Tagapamahala ng Mga Kagustuhan sa Mga Ad ay isang site ng Google kung saan mapapamahalaan mo ang mga setting na nauugnay sa mga ad na iyong nakikita. Ang aming layunin ay upang makapagbigay sa iyo ng transparency at pagpipilian tungkol sa mga ad na ipinapakita namin sa iyo.
Ang cookie ay isang snippet ng teksto na ipinapadala mula sa mga server ng website at iniimbak sa isang web browser. Tulad ng karamihan ng mga website at search engine, ang Google ay gumagamit ng cookies upang makapagbigay ng mas mahusay na karanasan ng user at upang makapaghatid ng may-katuturang mga ad.
Ginagamit ng Google ang DoubleClick cookie sa mga site ng AdSense, mga kasosyong site at ilang serbisyo ng Google upang maghatid ng mas may-katuturang mga ad sa web at limitahan ang bilang ng pagkakataong ipinapakita sa iyo ang isang ibinigay na ad. Kapag bumisita ka sa isang website, tumingin ng ad, o mag-click ng ad na sinusuportahan ng mga serbisyo sa advertising ng Google, maaari kaming magtakda ng cookie sa iyong browser. Lilitaw ang cookie ng advertising na ito sa iyong browser bilang nanggagaling sa domain na “doubleclick.net.”
Kapag naitakda ang cookie sa iyong browser, binibigyang-daan nito ang Google na kumuha ng impormasyon tungkol sa pakikipag-ugnayan ng iyong browser sa isang ibinigay na ad. Naitatala ang impormasyong ito sa isang log na ganito ang hitsura:
time: 06/Aug/2008 12:01:32
ad_placement_id: 105
ad_id: 1003
userid: 0000000000000001
client_ip: 123.45.67.89
referral_url: "http://youtube.com/categories"
Ipinapakita ng field na “oras” ang oras kung kailan ipinakita ang ad. Tinutukoy ng “id ng placement ng ad” at ang “id ng ad” ang kampanya ng advertising at ang partikular na ad na inihatid. Ang “userid” ay ang cookie ng display ad na tumutukoy sa browser. Ipinapakita ng “client IP” ang Internet Protocol (IP) address ng user. Isinasaad ng isang “URL ng referral” ang URL ng pahina kung saan inihatid ang ad. Itinatala rin ng aming mga log kung nag-click o nakipag-ugnayan ang browser ng user sa isang ad.
Tinutulungan ng impormasyong ito ang Google na maghatid ng mga ad na may-katuturan sa iyong mga interes, kontrolin ang bilang ng pagkakataong nakita mo ang isang ibinigay na ad, at sukatin ang kahusaya ng mga kampanya ng ad. Ang sinumang mas gustong huwag makakita ng mga ad sa antas na ito ng kaugnayan ay maaaring mag-opt out. Ang pag-opt-out na ito ay magiging partikular lamang sa browser na ginagamit mo kapag na-click mo ang button na “Mag-opt out.”
Upang maghatid ng mga ad sa mga serbisyo kung saan ang teknolohiya ng cookie ay maaaring hindi available (halimbawa, sa mga application at iba pang mga client), maaari kaming gumamit ng hindi kilalang mga tagatukoy. Upang maghatid ng mga ad na may-katuturan at iniangkop sa iyong mga interes, maaari kaming gumamit ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa mga serbisyong ito gayundin ng hindi personal na nakakapagpakilalang impormasyon, gaya ng data ng demograpiko.
Maaaring may access ang mga mobile application sa pantukoy ng iyong device at maaari nito itong ipasa sa Google kapag gumamit ka ng application na nagpapakita ng mga ad ng Google AdSense o AdMob. Matanggap man namin o hindi ang pantukoy ng iyong device, direkta lamang kaming nag-uugnay ng impormasyon sa mga hindi kilalang pantukoy, hindi sa mismong mga pantukoy ng device. Sa mga pangyayari kung saan natanggap namin ang pantukoy ng iyong device, nililikha ang isang hindi kilalang pantukoy kaugnay ng iyong device. Binibigyan ka nito ng ganap na kontrol, dahil hindi tulad ng isang pantukoy ng device na hindi mo mababago o matatanggal, mapipili mong i-reset o huwag paganahin ang mga hindi kilalang pantukoy anumang oras.
Ang Google Analytics ay ang libreng tool sa web analytics ng Google na tumutulong sa mga may-ari ng website na maunawaan kung paano nakikipag-ugnayan ang mga bisita sa kanilang website. Nangongolekta ang Google Analytics ng impormasyon nang hindi nakikilala, at halos katulad ng pagsusuri ng mga bakas ng paa sa buhangin, nag-uulat ito ng mga trend ng website nang hindi tumutukoy ng mga indibidwal na bisita. Ginagamit ng Analytics ang sarili nitong hanay ng cookies upang subaybayan ang mga pakikipag-ugnayan ng bisita. Ginagamit ang mga cookies na ito upang mag-imbak ng impormasyon, gaya ng kung anong oras naganap ang kasalukuyang pagbisita, kung nanggaling na dati sa site ang bisita, at kung anong site ang nag-refer sa bisita sa web page. Makakatingin ang mga customer ng Google Analytics ng iba’t ibang ulat tungkol sa kung paano nakikipag-ugnayan ang mga bisita sa kanilang website upang mapahusay nila ang kanilang website at kung paano ito mahahanap ng mga tao. Gumagamit ng ibang hanay ng cookies para sa bawat website, at hindi sinusubaybayan ang mga bisita sa maramihang site. Obligado ang mga customer ng Analytics na i-notify ang mga user tungkol sa kanilang paggamit ng analytics software. Upang huwag paganahin ang ganitong uri ng cookie, isasaad ng ilang browser kapag may ipinapadalang cookie at binibigyang-daan kang tumanggi sa cookies batay sa sitwasyon. Bilang karagdagan sa pagtanggi sa cookies, maaari mo ring i-install ang Add-on sa Pag-opt-out ng Google Analytics sa iyong browser, na pumipigil sa Google Analytics na mangolekta ng impormasyon tungkol sa mga pagbisita sa iyong website.
Bukod sa Google Analytics at DoubleClick cookies, gumagamit ng cookies ang Google upang makatulong sa mga negosyong bumibili ng mga ad mula sa Google na matukoy kung ilang taong nagki-click sa kanilang mga ad ang bumibili ng kanilang mga produkto. Ang cookie sa pagsubaybay sa conversion ay itinatakda lamang sa iyong browser kapag nag-click ka ng ad na inihatid ng Google kung saan nag-opt in ang advertiser sa pagsubaybay sa conversion. Mag-e-expire ang mga cookies na ito sa loob ng 30 araw at hindi naglalaman ng impormasyong maaari kang personal na tukuyin. Kung hindi pa nag-e-expire ang cookie na ito noong bumisita ka sa ilang partikular na pahina ng website ng advertiser, masasabi ng Google at ng advertiser na na-click mo ang ad at nagpatuloy ka sa pahinang iyon. Nakakakuha ang bawat advertiser ng ibang cookie, kaya walang masusubaybayang cookie sa mga website ng advertiser. Kung gusto mong huwag paganahin ang cookies ng pagsubaybay sa conversion, maitatakda mo ang iyong browser upang mag-block ng cookies mula sa domain na googleadservices.com.
Bilang karagdagan, dahil sa kasalukuyang kakulangan ng mga setting ng cookie sa bawat domain sa mga mobile browser ng iOS at Android, dapat mong huwag paganahin ang lahat ng cookies upang makapag-opt out sa pagsubaybay sa conversion sa mobile.
Magagamit mo ang Tagapamahala ng Mga Kagustuhan sa Mga Ad para sa mga application upang mag-edit ng mga nauugnay na kategorya ng interes, i-reset ang iyong mga kagustuhan sa ad, o mag-opt out sa mga ad na batay sa interes sa iyong mobile device.
Upang baguhin ang iyong mga kagustuhan, sundin lamang ang mga tagubilin sa ibaba para sa iyong mobile device.
Android
iOS
Maaari ring ilapat ang iyong mga kagustuhan sa mga ad sa mga application sa mobile sa “Mga Ad mula sa Google” sa loob ng iyong web browser at kabaliktaran. Upang pamahalaan ang iyong mga kagustuhan sa mga ad para sa“Mga Ad mula sa Google” na nakikita mo sa loob ng mga browser, bisitahin ang Tagapamahala ng Mga Kagustuhan sa Mga Ad para sa mga browser.