1. Home
  2. Pandaigdig
  3. International Politics

1st SONA: Marcos Jr. nilatag ang ambisyosong policy agenda na nakapokus sa farm sector

Ngayong Hulyo 25 (PH time) naganap ang kauna-unahang SONA o state of the nation address ni Pres. Marcos Jr.

Ferdinand Marcos Jr. nasa harap ng mikropono at nakatayo sa podium na may sagisag ng pangulo ng Pilipinas.

Idineliver ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang first state of the nation address sa Quezon city sa Pilipinas ngayong Lunes, Hulyo 25, 2022.

Litrato: AP / Jamillah Sta Rosa

RCI

Ngayong Lunes inilatag ni Philippine President Ferdinand Marcos Jr. ang mga ambisyosong plano para sa kanyang anim na taong termino sa opisina na nakapokus sa fiscal management, upgrades sa imprastraktura at pagtuon sa matagal nang pinabayaan na farm sector at gawin itong isang makina para sa pag-unlad.

Patong-patong ang mga hamon sa Pilipinas, mula sa tumataas na mga presyo, kakulangan sa pagkain, kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay sa edukasyon, ngunit si Marcos Jr., na anak ng napatalsik na strongman noong 1986 revolution, ay sinabi na siya’y optimistiko.

Nabubuhay tayo sa isang napakahirap na panahon na dinala ng ilang puwersa na tayo rin ang gumawa, ngunit tiyak na ito rin ay dinala ng mga puwersa na wala rin sa ating kontrol. Ngunit mayroon tayo, at patuloy tayong, maghahanap ng mga solusyon, sinabi ni Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa Kongreso.

Si Marcos Jr., na sinimulan ang kanyang termino noong Hunyo 30, ay nanalo ng isang landslide victory noong Mayo na tinapos ang dekadang paghahahap ng kanyang mayamang pamilya ng paraan upang makuha muli ang pagkapangulo at i-rehabilitate ang kanilang imahe matapos mapatalsik sa kapangyarihan.

Ang mas matandang Ferdinand Marcos ay namuno sa loob ng dalawang dekada mula 1965, halos kalahati nito ay nasa ilalim ng batas militar, kung saan libo-libo sa kanyang mga kaaway ang nakulong, pinatay o naglaho, at bilyong-bilyong dolyares mula sa kaban ng bansa ang ninakaw. Itinanggi ng pamilya Marcos ang naturang pagnanakaw.

Sumisigaw ng Never again sa martial law!, daan-daang aktibista ang nagsagawa ng rally ilang kanto lang ang layo mula sa gusali ng Kongreso bago ang talumpati ni Marcos Jr., nagdemanda sila na wakasan ang krisis sa pasahod, mga trabaho at mga karapatan.

Ferdinand Marcos Jr. pinapalakpakan sa loob ng bulwagan kasama ang mga pulitiko.

Ipinagpatuloy ng unang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gitna, ang momentum mula sa kanyang landslide election victory noong Mayo.

Litrato: AP / Jamillah Sta Rosa

Si Marcos Jr., na kinuha ang portfolio ng agrikultura, ay sinabi na siya ay lilikha ng mga trabaho at susuportahan ang modernong agrikultura, papalakasin ang produksyon ng pagkain at babawasan ang imports sa harap ng isang global food price crisis.

Kabilang sa kanyang mga unang akto bilang presidente ang pagsususpinde ng utang ng mga magsasaka, aniya. Ang output ng agrikultura ay kasalukuyang nag-a-account para sa tenth ng GDP.

Sa kanyang 78 minuto na talumpati, nangako si Marcos Jr. na palalawakin ang programa sa imprastraktura ng kanyang predecessor na si Rodrigo Duterte, na may bagong pokus sa pagpapatayo at pag-upgrade sa tumatandang rail transport systems ng Pilipinas.

Tiniyak niya na hindi niya sususpendihin ang anumang proyekto na sinimulan ng naunang gobyerno, at ang infrastructure spending ay mananatili sa 5% hanggang 6% ng GDP.

Sinabi rin ni Marcos Jr. na siya ay committed na palakasin ang investments sa renewable energy. Bukas din siya sa pagdaragdag ng nuclear power sa mix ng energy sources ng bansa, isang plano na sinimulan ng kanyang yumaong ama noong 1970s.

Nangako rin si Marcos Jr. na ang Pilipinas, isang defense ally ng Estados Unidos na kamakailan ay naging mas malapit sa Tsina, ay mananatiling independent sa foreign policy nito at nangako na hindi mawawala ang kahit isang pulgada ng teritoryo ng Pilipinas sa anumang dayuhang kapangyarihan, na sinalubong ng matagal na palakpakan.

Magkatabi sina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte at napapaligiran sila ng mga pulitiko.

Presidente Ferdinand Marcos Jr., gitna, kasama si Vice President Sara Duterte, kaliwa, na suot ang isang tradisyonal na tribal dress.

Litrato: AP / Aaron Favila

Ang kanyang administrasyon ay magpapatupad ng maayos na fiscal policy management, kasama ang pagpapakilala ng mga bagong buwis, upang tulungan ang finance investments sa teknolohiya, pangangalaga sa kalusugan at edukasyon, habang nilalayon niya na gawin ang bansa na isang destinasyon para sa investment.

Sinabi ni Marcos Jr. na ang kanyang gobyerno ay pananatilihing ligtas ang mga silid-paaralan sa gitna ng pandemya para ang mga titser ay makapag-resume ng face-to-face classes, at nangako rin siya na pagagandahin ang edukasyon.

Ang ating mga anak ay dapat makuha ang pinakamahusay na ating maibibigay, aniya.

Isang artikulo nina Karen Lema at Neil Jerome Morales, Reuters na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita