Anda di halaman 1dari 1

Ang Panahon ng Bato o Stone Age ay isang malawak na kapanahunang prehestoriko (bago sumapit ang

nasusulat na kasaysayan) kung kailan at saan gumagamit ang mga tao ng mga bato para sa paggawa ng
mga kagamitan o kasangkapan. Karamihan sa mga dalubhasa sa paksang ito ang naghahati sa Panahon
ng Bato sa tatlong peryodo: Matandang Panahong Bato (Paleolitiko), Panggitna o Gitnang Panahon ng
Bato (Mesolitiko), at Bagong Panahon ng Bato (Neolitiko). Nagmula ang lithic o litiko mula sa salitang
Griyego na nangangahulugang "ng bato" at tumutukoy sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng
mga kasangkapan at pagbubuo ng mga sandata. Kahit magpahanggang-ngayon mayroon pa ring mga
mamamayang namumuhay sa loob ng kanilang kultura na may antas masasabing pagkakaroon pa rin ng
"panahon ng bato". Ilan sa mga halimbawa ang mga aborihines (aborigene) ng Australya at ang mga
Taong-Palumpong (Bushmen, mga "tao ng palumpong") ng Timog Aprika.



Isang paglalarawan ng mga taong namumuhay noong Panahon ng Bato.



Halimbawa ng isang kagamitang panghiwa na yari sa isang bato.

Anda mungkin juga menyukai