-- Advertisements --

Ikinasal ang model at komediyanteng si Wilma Doesnt sa longtime partner nitong si Gerick Livelo Parin.

Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa nitong Marso 24, 2022 sa Aquila Crystal Palace sa Tagaytay City.

Suot ng model-actress ang gown na gawa ng kilalang designer na si Randy Ortiz.

Ibinahagi rin ni Wilma sa kaniyang social media ang ilang mga larawan sa kaniyang kasal.

Magugunitang noong Hulyo 10, 2021 ng masayang ipinamalita nito ang engagement niya sa nobyo.

Naging espesyal umano ito dahil kasabay ito ng kaniyang kaarawan.