Yasmien Kurdi explains sexy photos in tabloids

Showbiz Central host Pia Guanio got an unexpected reaction from Yasmien when she asked her about Jennylyn Mercado.
by Rose Garcia
Published Aug 18, 2008
"Nagti-trip kami sa isang beach sa Zambales, so lahat kami nagpo-pose. At saka, last year pa yun! Ngayon lang lumabas yun. Alangan namang magpantalon pa ‘ko sa beach, e, beach yun!" explains Yasmien Kurdi about her sexy photos that some tabloids published last week.

Live na na-interview ni Pia Guanio kahapon, August 17, si Yasmien Kurdi sa Showbiz Central. Tungkol sa naglalabasang sexy pictures sa tabloids ang naging topic ng interview nila.

Paliwanag ni Yasmien, "Nakuha po yun sa Facebook account ko. Pero naka-private account po yun kaya hindi ko alam kung sino ang kumuha sa mga friends ko. Sana nga nilagay nila... Si Pilita...kilala mo ba yun, yung makeup artist? At saka si Kuya Otep [Bongcalan, program manager]? Naku, mas sexy pa ang mga yun sa akin! E, lahat kami stressed, so nagti-trip kami sa isang beach sa Zambales, so lahat kami nagpo-pose. At saka, last year pa yun! Ngayon lang lumabas yun. Alangan namang magpantalon pa ‘ko sa beach, e, beach yun!"

Ano ang masasabi niyang pinaka-offensive sa kanya sa nangyaring yun?

"Offensive? Naku, hindi ko nga alam kung bakit nila ginagawang big deal yun, e, sa cell phone nga lang yun!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOT FOR MEN'S MAGAZINES. So, okey lang sa kanya na naglabasan yung mga sexy photos niya to think na sa ilang interviews na niya, sinasabi niyang never siyang magpo-pose nang sexy?

"For men's magazine, yun," mabilis niyang sagot. "Actually, okey lang naman [mag-pose ng sexy], not for men's magazine, pero kung mga ads, okey lang. Actually, hindi ko talaga alam kung bakit magiging big deal ‘to! Last year pa ‘to, November! As in, Pasan Ko Ang Daigdig."

Pia told Yasmien na in fairness nga raw, ang sexy niya sa mga pictures.

"Lokohan lang po talaga ‘yan. Si Kuya Otep nga, bigla akong tinawagan kanina at sinabing, ‘Yas, yung mga loko-lokohan natin no'n, biglang naglabasan.'"

Since her Facebook account is open only to her friends, napi-feel ba niya na sa pangyayaring yun, isa sa mga kaibigan niya ang nag-betray sa kanya?

"Ayoko na pong mamintang sa isa sa mga kaibigan ko. Kung sinuman ang press or something sa mga kaibigan ko na naglabas nun. Ayoko nang mamintang ng tao."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang gusto mong sabihin sa kanya?

"Wala lang, hindi ko alam na big deal yun! At saka, nasa beach ako, alangan namang magpantalon ako or mag-abaya ako?" natatawa na lang niyang sabi.

Nagkaroon ba ng negative reactions? Especially sa kanyang family?

"Si Mama kanina, ‘Uy, Yas, may lumabas na ganyan-ganoon...' Ako naman, ‘Ah, talaga? Baka nakuha sa Facebook or something.' So, sabi na lang niya, ‘Mag-ingat ka next time.' Kaya sabi ko, ‘Ah, okey...' Talagang grabe lang...sa beach kasi, lagi akong ganoon... Kung makikita n'yo pa nga akong mag-surf or something, palagi akong ganoon."

Samantala, nasa studio rin si JC de Vera ng Showbiz Central para sa promotion nila ng movie nilang Loving You. Biro ni Pia, kung cool lang daw si Yasmien sa mga naglabasan niyang picture, si JC raw ang nagagalit.

Pero parehong kinumpirma ng dalawa na magkasama sila nang nag-pictorial si Yasmien ng ganoon.

"Taping po kasi ‘yan ng Pasan Ko Ang Daigdig...si JC, naliligo siya sa beach, ako at saka yung mga bakla, kami yung nagti-trip na mag-picture," natatawang kuwento pa ni Yas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biro naman ni JC kay Yas, "Pero nang makita ko nga, sabi ko, ‘Wow, Yas, ang sexy! Keep it up!' Pero bakit naman lumabas? Dapat kasi, hindi ka nagpo-post ng mga ganyang pictures, alam mo namang puwedeng may mag-grab."

ONE MINUTE KISSING SCENE. Tinanong din sila ni Pia tungkol sa one- minute kissing scene daw nila sa Loving You at kailangan daw ba talaga yun sa eksena or are they just got carried away?

"Ang tagal kasi nung..." natatawang sabi ni JC. "Yung ibang staff dun, hindi nila sinasabing cut. Siyempre, kami...artista ka. Hangga't hindi ka nakakarinig ng cut, hindi ka titigil."

UNEXPECTED RESPONSE . Sa huli, Pia asked Yasmien kung nadalaw na raw ba niya sa hospital ang nanganak na kaibigang si Jennylyn Mercado. Pero halatang nagulat si Pia sa naging reaction ni Yasmien kung saan unang hirit nito ay, "Ang dami namang isyu sa akin."

Pero sinagot din siya ni Pia na hindi naman isyu yun dahil nanganak na nga raw ang bestfriend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Yasmien, "Hindi pa...hindi ko pa siya nadadalaw."

Follow-up ni Pia, "Nakausap mo na ba siya?"

"Ah, hindi...wala...wala pa."

"How do you feel about it?" si Pia uli.

"Hmm...e, di happy and congrats...yun..."

Tuloy, mukhang hindi napigilan ni Pia na natatawang mag-comment kay Yasmien kung nagkagalit daw ba sila ni Jennylyn dahil sa mga tugon niya na parang ang taray?

"Hindi...kasi, tanungin n'yo na lang si Jen. Ang dami-dami n'yong kinukuhang information sa akin, hindi naman ako yung tatay!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagti-trip kami sa isang beach sa Zambales, so lahat kami nagpo-pose. At saka, last year pa yun! Ngayon lang lumabas yun. Alangan namang magpantalon pa ‘ko sa beach, e, beach yun!" explains Yasmien Kurdi about her sexy photos that some tabloids published last week.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results