^

Pang Movies

Anak ni Wilma Doesnt, fashion model na rin!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Anak ni Wilma Doesnt, fashion model na rin!               

Sobrang proud si Wilma Doesnt dahil sa pag­rampa ng kanyang panganay na anak na si Asiana sa nakaraang Bench Fashion Week 2023.

Tunay ngang sumusunod sa yapak ni Wilma ang kanyang anak sa pagiging isang fashion model.

Bago siya nag-showbiz noong 1999, ilang taon din siyang naging runway at editorial model.

Sa Instagram, pinost ng Abot-Kamay Na Pangarap star ang photo ni Asiana at nilagyan niya ng caption na: “Ayyyyy... anyare… ung isang itik ko ohhhhh… palakad lakad ka jan nak ha… proud momma here…buti na lang talaga nagmana ka sa NANAY MO. Good job nak!!!! Emilia Asiana Dassent ibuhhhhhh…libre mo naman ako maniped hahahahaha.”

Sparkada, nabiktima ng cyberbullying

Tungkol sa araw-araw na pinagdaraanan ng Gen Z teens ang tema ng bagong GMA series na Sparkle U.

Tampok ang fresh faces ng Sparkle GMA Ar­tist Center, tatalakayin sa unang episode ng Sparkle U na #Frenemies ay ang cyberbullying at ang epekto nito sa nagiging biktima.

Ilan sa cast ay naging biktima ng cyberbullying tulad ni Roxie Smith na binash noong ipadala siya sa isang international beauty pageant.

“Hindi raw kasi ako mukhang Pinay. Bakit daw ako ang pinadala to represent the Philippines. Na-hurt po ako kasi parang ‘di ko raw deserve ang title,” sey ni Roxie.

Si Anjay Anson naman ay pinagtripan ng cyberbullies ang pagiging half-Indian niya.

“Marami silang sinasabi about my Indian heritage na ‘di maganda. ‘Di ko na lang po pinansin.”

Si Abdul Raman na may lahing Muslim ay inatake sa social media dahil sa religion niya.

“There are so many opinions about my religion. Maraming ‘di alam ang mga sinasabi nila. Kahit masakit, the best way to deal with it is just be kind to them.”

Ang second episode ng Sparkle U ay #Ghosted na tampok ang Team Jolly nina Sofia Pablo at Allen Ansay. Tungkol naman ito sa pag-cope with mental health.

Italian actress Sophia Loren, nahulog sa banyo

Sumailalim sa maselang surgery ang Italian actress na si Sophia Loren dahil sa aksidenteng natamo nito sa kanyang bahay sa Switzerland.

The 89-year-old Oscar winner suffered a broken hip and multiple fractures dahil sa pagkakahulog nito sa kanyang banyo.

Kinansela lahat ng personal appearances ng aktres kasama na rito ang pagbukas ng ika-apat na Sophia Loren Restaurant sa Bari, Italy.

Ayon sa report, naging maayos ang surgery sa former Hollywood sex symbol at on the road to rehabilitation na ito.

“Thankfully everything worked out for the best and the Lady will be back with us very soon,” ayon sa report ng source.

vuukle comment

WILMA DOESNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with