You are on page 1of 1

Mga kagamitan sa panahon ng metal Panahon ng Asero (Iron Age)

Mayroong nagsasabing bago pa man sumapit ang 2500 B.K. ay mayroon nang nagtutunaw ng mga dukalin (ore) upang gawing asero o bakal sa Mesopotamia. Subalit ang Panahon ng Asero ay karaniwang inilalagay ang simula sa petsang 1000 B.K., nang tuluyan na nitong mapalitan ang tanso bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga kagamitan at sandata ng mga tao.Sa Asya Minor unang sinimulang gamitin ang asero noong 1400 B.K., at sa Austria sa Europa noong banding 1100 o 1000 B.K. Sa ilang bahagi ng Asya at Aprika, hindi ginamit ang asero kundi noong makalipas pa ang ilang dantaon matapos na ito ay masimulang gamitin sa Mesopotamia. Sa Amerika naman, dumating ang asero at nagging bahagi ng kultura doon nang dalhin lamang ito doon ng mga Europeo noong taong 1500 hanggang 1600 P.K. (panahon ni Kristo).

Panahon ng Tanso (Bronze Age)


Sa bayan ng Sumer sa Mesopotamia unang ginamit ang tanso noong banding 3500 B.K. bilang materyales sa paggawa ngmga kagamitan at sandata. Ang mga sangkap na ginamit upang makagawa ng tanso ay hinuhulaang nagmula sa mga bundok sa Asya Minor (ang kasalukuyang Turkiya), Armenia, at Caucasia.Noong 3000 B.K., laganap na ang paggamit ng tanso sa mga lugar na ito sa TimogKanlurang Asya. Sa Europa, nauso ang tanso noong mga 2000 B.K. Sa Tsina man ay sumikat ang paggamit nito, lalo na sa banding hilaga, sa pagitan ng 1700 hanggang 1000 B.K.Gayunman hindi sa lahat ng bahagi ng mundo ay nagkaroon ng tinatawag na Panahonng Tanso.

You might also like