Professional Documents
Culture Documents
Pilipino
Panahon ng Lumang Bato (Paleolitiko)
Ang Panahong Paleolitiko (500,000-10,500
BK) ay ang panahon kung saan karamihan
sa kasangkapan ng mga tao ay gawa sa
kahoy at madaling masira. Ito ang
panahon kung saan ginagamit ang bato
bilang kasangkapan ng mga
australopithecine. dito ay laganap ang
pangangaso at pangongolekta ng mga
halaman sa gubat.
Ang Panahon ng Bato o Stone Age] ay
isang malawak na kapanahunang prehestoriko (bago sumapit ang nasusulat
na kasaysayan) kung kailan at saan gumagamit ang mga tao ng mga bato
para sa paggawa ng mga kagamitan o kasangkapan. Karamihan sa mga
dalubhasa sa paksang ito ang naghahati sa Panahon ng Bato sa tatlong
peryodo: Matandang Panahong Bato (Paleolitiko), Panggitna o Gitnang
Panahon ng Bato (Mesolitiko), at Bagong Panahon ng Bato (Neolitiko).
Nagmula ang lithic o litiko mula sa salitang Griyego na nangangahulugang
ng bato at tumutukoy sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng
mga kasangkapan at pagbubuo ng mga sandata. Kahit magpahanggangngayon mayroon pa ring mga mamamayang namumuhay sa loob ng
kanilang kultura na may antas masasabing pagkakaroon pa rin ng panahon
ng bato. Paleolitiko. Nanggaling ang mga pangalang ito sa Paleos
(matanda), at Lithos (bato). Samakatuwid, ang Paleolitiko ay ang Lumang
Bato (Old Stoneage). Ang Paleolitiko ay ang panahon kung saan ang
pagbabagong-anyo ng tao ay nakita.
Mga Katangian:
1) Ang paggamit ng mga tao ng mga kasangkapang yari sa bato, buto,
kahoy, o mga halamang nilala at ginawang mga sisidlang basket,
2) ang paggamit nila ng apoy
3) ang pangangaso nila at pangunguha ng gulay bilang pagkain
4) ang pagsusuot nila ng mga damit na gawa mula sa mga balat nga hayop
5) ang paminsan-minsan nilang pagtulog sa mga kuweba, samantalang
Mga Katangian:
1) Nagsimulang magtanim at magsaka ang mga tao.Bunga nito,naging
permanente ang paninirahan ng mga tao.
2) Nagsimula ang pagpapalayok. Natutuhan ang paggawa ng mga bagay
na gawa sa putik tulad ng bricks na ginagamit sa paggawa ng bahay.
3) Natutuhang pakinisin ang mga magagaspang na bato at ginawang
ibat ibang hugis at laki ayon sa kanilang gamit.
4) Natutuhang gamitin ang mga inaalagaang hayop tulad ng kabayo,baka
at asno bilang sasakyan o tagahila ng parago o karuwahe.
5) Nag-iimbak ng maraming bagay hindi lamang para sa sariling gamit
kundi upang makipagpalitan ng produkto. Dito nag simula ang
sistemang Barter o ang pagpapalitan ng produkto ng mga pangkat ng
tao.
6) Nagsimula ang konsepto ng palengke kung saan higit na maayos ang
sistema ng palitan ng mga produkto ng mga tao.
7) Ginamit ng Mesopotamia ang buto ng cacao bilang pambayad o
pamalit sa mga palengke.
Panahon ng Metal
(200 B.C. - 1000 A.D.) Sa panahong ito, natuklasan ng mga unang Pilipino
ang paggamit ng mga metal tulad ng tanso, bakal, at ginto sa paggawa ng
mga alahas, sandata at mga kagamitang pang-industriya. Natutuhan na din
_______________________________________________________________________
esepmeyer 17MAR2013 Panahon ng Bagong Bato (Neolitiko) retrieved from
https://esepmeyer.wordpress.com/2013/03/17/aralin5-panahong-neolitiko-atpaleolitiko/
Aralin K1 12 July 13,2016 Panahon ng Lumang Bato(Paleolitiko) retrieved
from http://gintongaral.weebly.com/index.html Answer Copyright 2016
Answers Corporation Panahon ng Metal retrieved from
http://tl.answers.com/Q/Ang_panahon_ng_metal Florence Barrameda & Ralph
Buenaventura Martes, Agosto 12, 2014 Panahon ng Metal retrieved from
http://ebolusyongpangtao.blogspot.com/
Prepared By:
Jecil C. Torrefranca
Beed III-B