You are on page 1of 2

ANG MGA PANGULO NG IKATLONG REPUBLIKA NG PILIPINAS

MANUEL ROXAS (5TH PRESIDENT)

Si Manuel Acua Roxas (Enero 1, 1892 - Abril 15, 1948) ay isang pulitiko
sa Pilipinas. Siya ay nagsilbi bilang Pangulo ng Pilipinas mula Mayo 1946 hanggang
sa kanyang kamatayan noong Abril 1948. Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa
lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa
lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga
magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the
Philippines) noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa pulitika
bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim
ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa
House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker.

ELPIDIO QUIRINO (6TH PRESIDENT)

Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890Pebrero 29, 1956) ay


isang pulitiko at ang ikaanim na pangulo ng Pilipinas. Nagsilbi siya mula Abril
17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953. Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur
Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya
ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.
Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen.
Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging
pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang
Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948. Kinaharap ng
administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang
komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang
itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya. Tinalo ni Ramon
Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero
29, 1956 sa gulang na 66. Siya ang unang Ilokanong pangulo.

RAMON MAGSAYSAY (7TH PRESIDENT)

Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramn "Monching"


Magsaysay[1] (Agosto 31, 1907 Marso 17, 1957) ang
ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas mula Disyembre
30, 1953 hanggang sa kanyang kamatayan. Si Magsaysay ay isinilang sa
Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta
del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College.
Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago
magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang
Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at
Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim
ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap.
Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging
napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya
si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.Padron:Fact Ang
kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia. Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa
Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista.
Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si
Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas
dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang pagbagsak
ng eroplano sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.
CARLOS P. GARCIA (8TH PRESIDENT)

Si Carlos Polistico Garcia (Nobyembre 4, 1896 - Hunyo 14, 1971) ay


isang Pilipinong makata at pulitiko. Naging pangalawang pangulo at miyembro ng
gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang
mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng Filipino First
Policy. Carlos Polestico Garcia (1896-1971), presidente ng Republika ng Pilipinas
noong 1957 hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa
Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas.
ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-
aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at
kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa
Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa
Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia
ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging
miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945),
lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang
tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa
Senado.

DIOSDADO MACAPAGAL (9TH PRESIDENT)

Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo


noong 1961. Inilunsad niya ang "Agricultural Land Reform Code" at nilinis ang
pamahalaan sa katiwalian. Limang taon sa Socio-Economic Program para sa
pag control ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala siya sa nationalization of
Retail and Land Reform Bill. Dahil dito, naging masigasig siya tungkol sa
reporma sa lupa. Ayon sa kanya, Kung walang reporma sa lupa, mawawala
hindi lamang ang lupa kundi ang buhay man ng magmamay-ari nito. Sinikap
niyang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan. Nagpakita si Pangulong
Diosdado Macapagal ng magandang halimbawa ng katapatan, payak ng
pamumuhay at mataas na moralidad. Ngunit tulad ng mga naunang pangulo,
ang kaniyang halimbawa ay sinira ng kaniyang mga tauhan.

FERDINAND MARCOS (9TH PRESIDENT)

Si Marcos ay nahalal noong 1965 at nagsilbing pangulo hanggang


1986. Si Marcos ang pinakamatagal na nanilbihang bilang pangulo ng
Pilipinas sa loob ng mahigit (20) dalawampung taon.

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 28


Setyembre 1989) ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30
Disyembre 1965 25 Pebrero 1986. Siya ay isang abogado at nagsilbing
kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang
1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging
Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang
unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing
pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health
center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang
unang termino at noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa
ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang
ikalawang termino. Ang pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa
kanyang 1969 kampanya at talamak na korupsiyon sa pamahalaan. Nagkaroon din ng isang pangkalahatang
kawalang kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay patuloy na mabilis na lumalago kesa sa
ekonomiya na nagsanhi ng mas mataas na kahirapan at karahasan. Ang NPA ay nabuo noong 1969 at
ang MNLF ay nakipaglaban para sa pakikipaghiwalay sa Pilipinas ng Muslim Mindanao. Sinamantala ni Marcos
ang mga ito at ang ibang mga insidente gaya ng mga pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga estudyante at
pambobomba sa mga iba't ibang lugar sa bansa upang lumikha ng isang kapaligiran ng krisis at takot na
kanyang kalaunang ginamit upang pangatwiranan ang kanyang pagpapataw ng Batas Militar o Martial Law.

You might also like