You are on page 1of 5

Taliptip na bato 

Rantso sa Espinosa, Cagayan - 16,000 - 8,000 B.C.


Ayon sa tour guide sa museo ang TALIPTIP na bato ay nilikha ng
mga sinaunang tao, ang mga kagamitan mula sa bato na nagtapuan
nila sa tabing ilog sa cagayan.

Ang taliptip at kobol ang mga kaunaunahang kasangkapang ginawa


nila noong Kapanahunang Palyolitik (Panahon ng Lumang Bato).
Ang kasangkapang ito ay nililuk sa pamamagitan ng pagpukpok sa
gitna ng bato ng martilyong bato o sa pagpukpok na may buto o
tabla sa pagitan ng martilyong bato at ng batong gagawing
kasangkapan.

Ito ay ginamit niyang kutsilyo at pangkayod.Bago pa man


natuklasan ang mga labi ng kauna-unahang tao sa Pilipinas. Ang
taliptip na bato ay kasangkapan na ginamit ng sinaunang Pilipino ng
Kapanahunang Bato hanggang sa unang bahagi ng kapanahunang
metal.

Higanti ng Isang Ina 


Jose Rizal

Ayon sa tour guide sa museo ang HIGANTI NG ISANG


INA ay pinakikita ng Higanti ng Isang Ina na gawa sa
putik ang isang buwaya na sagpang ang isang tuta
habang pilit na kinakagat ng inang aso ang buwaya
upang masaklolohan ang tuta. Sa madaling salita, ang
tuta ay simbolo ng nagdurusang anak-bayan habang ang
inang aso ang naglalarawan sa inang-bayan, ang
buwaya bilang simbolo ng mapang-aping dayuhan.

Para sa akin ito ay nagpapakita ng kaapihan ng mga


Pilipino sa kamay ng mga dayuhang Kastila. Higit sa
lahat, naililok n’ya ang damdaming makabayan.
Banga sa Manunggul 
Kweba sa Manunggul, Lipuun Pt. Palawan 895 - 775 B.C.

Ayon sa tour guide sa museo ang BANGA SA MANUNGGUL ang


kayamanang pangkultura na natagpuan noong unang bahagi ng
1960 sa kweba ng Manunggul sa Lipuun Pt., Palawan

Ay isang bangang ginagamit sa ikalawang paglilibing. Sa itaas na


bahagi ng palayok at sa takip nito ay may nakaukit na guhit na
kumokurba at pininturahan ng hematayt. Nakapatong sa takip ang
isang bangka lulan ang dalawang tao - dalawang kaluluwang
naglalakbay patungo sa kabilang buhay. Ang bangkero ay
nakaupo sa likuran ng taong nakakrus ang mga kamay sa dibdib.
Ang ayos ng mga kamay ay isang kaugaliang Pilipino na ginagawa
sa mga namatay.

Para sa akin ang Manunggul jar ay sumisimbolo sa pagmamahal


ng ating mga ninuno sa mga yumaong kamaganak nila o sa mga
taong Pilipino.

Telang Banton 
Isla ng Banton, Romblon 1400 - 1500 A.D.
Ayon sa tour guide sa museo ang TELANG BANTON ay kauna-
unahang telang ikat na may hiblang paayon sa Timog-Silangang
Asya. Ito ay tinatayang 400 taon. Natagpuan ang telang
pambalot sa patay na may kasamang bughaw at puting seramiks
sa isang kabaong na yari sa kahoy sa isla ng Banton sa
Romblon. Ang tela ay hinabi mula sa pula, itim at puting sinulid
ng abaka.

Madali ang pamamaraan ng paghabi. Sinusukat ang mga sinulid


at iniikid sa balangkas. Ito ay binabalot ayon sa disenyo sa
pamamagitan ng pisi na may waks o ka- pirasong baging,
pagkatapos ito ay kinukulayan. Kung tuyo na ang mga sinulid,
iniaayos ito sa habihan at inuumpisahan na ang paghahabi. 

Sa kasalukuyan, ang mga taga-Bontoc, Mt. Province ay


gumagamit ng makulay na telang pambalot sa namatay.
Sining sa bato ng Angono 
Binangonan, Rizal 2000 B.C.
Ayon sa tour guide sa museo ang SINING SA BATO
NG ANGONO ang kaunaunahan sinaunang guhit sa
bato na masusing pinag-aralan ay yaong mga
natagpuan sa pag-itan ng Angono at Binangonan, Rizal.
Ang pook ay isang kanlungang bato o mababaw na
kweba na may 63 metro ang lapad, 8 metro ang lalim at
5 metro ang pinakamataas na sukat. Isang daang
dalawamput-pitong guhit ng tao ang nakakalat sa pader.
Ang mga ito ay inukit sa mukha ng kanlungang bato sa
pamamagitan ng pirasong bato.

Ang sining sa bato ay iniugnay sa paniniwala ng isang


tanging grupo ng tao. Ito ay simbolo at hindi
dekorasyon.

Pero para sa akin ang sining sa baton ng angono ay ang


unang pagsulat n gating mga katutubo sa kuweba upang maipahayag nila ang kanilang saloobin

Balanghay 
Libertad, Butuan City 322 A.D.

Ayon sa tour guide sa museo ang BALANGHAY ay Ang


mga sinaunang bangka ay nahukay sa Butuan, Agusan
del Norte noong 1978 . Siyam ang nakuhang sinaunang
bangka. Ang kaunaunahaan na may edad na 320 A.D.
ay nasa isang museo sa Libertad, Butuan. Ang
pangalawa na tinataya noon pang 1250 A.D. 

Ang sinaunang bangka ay isang uri ng sasakyang


pandagat na yari sa makapal na tabla at talasukan ang
anyo ng gilid. Ang makakapal na tabla ay yari sa
matitigas na kahoy katulad ng ‘doongon’ (Heriteriera
littoralis).

Ginagamit ito sa pamimili ng kalakal ang sinaunang tao


sa Pilipinas sa mga dayuhang mangangalakal upang
ipamahagi ito sa malalayong pook. Ang mga butil ng
baso at metal na nakita sa pook kung saan natagpuan
ang mga sinaunang bangka ay nagpapatunay na malawak ang kalakalang pangkaragatan sa Asya
noong panahon iyon. Napantayan ng sina-unang Pilipino ang galing sa paglayag at husay sa paggawa
ng sasakyang pangkaragatan ang ibang bayan sa Asya.

Para sa akin ang banlaghay ay ginagamit nila upang mangalakal at makipagpalit ng mga kalakal sa
ibang bansa noong panahon nila.

You might also like