Professional Documents
Culture Documents
Pascual
Performance Task 1 - PANAHON NG BATO
A. PANAHON NG PALEOLITIKO
Ang terminong ito ay nagmula sa mga katagang Paleos o “matanda” at lithos o “bato”, ito
ang pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan Lumang Bato o Paleolitiko.
Ang mga matatalinong taong lumikha ng kultura ng peleolitiko ay ang mga Homo
Sapiens at Homo Erectus noong 400,000-8,500 B.C.E.
Magagaspang na bato ang kagamitan ng mga tao sa panahong ito. Pulo-pulotong sila sa
paghahanap ng mga pagkaing kinakalap nila mula sa kapaligiran. Ganoon din ang
kanilang sistema sa paghuli ng mga galang hayop sa kanilang paligid.
Faiza A. Pascual
Performance Task 1 - PANAHON NG BATO
B. PANAHON NG MESOLITIKO
Ang salitang meso ay nangangahulugang "gitna" sa wikang Griyego. Na sa pagkatunaw
ng mga glaciers o malaking tipak ng yelo noong 1000 hanggang 4500 B.C ay nagsimula
ang pag usbong o paglago ng mga kagubatan, ilog at dagat.
Ito ang nagsisilbing isang transisyon ng panahon sa kulturang neolitiko. Nagsimula ang
panahong mesolithic o pangitnang panahon ng bato (middle stone age) noong bandang
8000 B.K at tumatagal nang libu-libong taon. Bagama’t nanatiling bato ang mga
kasangkapang gamit ng mga tao noong panahong mesolithic lumiit naman ang mga ito
at naging mas pino.
Nanirahan sa mga pampang ng ilog at dagat ang taong Mesolitiko upang mabuhay. Ang
mga kagamitang tuklas ay mga blade, point, lunate, trapeze, craper at arrowhead.
Nakalinang ng mga gamit mula sa balat ng hayop at mga hibla ng halaman. Napasimulan
sa panahong ito ang pagpapaamo ng hayop. Ang kanilang pagkain ay isda at mga laman
ng kabibe.
Faiza A. Pascual
Performance Task 1 - PANAHON NG BATO
C. PANAHON NG NEOLITIKO
Dahan-dahang umunlad ang pamumuhay ng mga tao hanggang makamit nito ang isa
pang yugto na siyang naging dahilan ng tuluyang pagbabago sa kanilang pamumuhay at
kultura sa pangkalahatan. Tinawag ang yugtong ito na PANAHONG NEOLITIKO.
Ang salitang neo ay hango sa wikang Griyego na ang ibig sabihin ay "bago". Inilalarawan
nito ang tinaguriang "bagong pamamaraan sa paggawa ng mga kagamitan." At naganap
ang sa panahong ito ang rebolusyong agrikultural dahil sa makabuluhang pamumuhay
ng mga sinaunang tao dulot ng agrikultura.
Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso
at pangangalap ng pagkain. Dakong 12,000 taon nang matutuhan ng mga sinaunang tao
ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng
mas makinis na bato. Ito ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.
Natuklasan nila ang pagtatanim ng butil, buto ng prutas, gulay at iba pang halaman.
Nagawa nilang magpaamo ng hayop na nagsilbing malaking tulong sa kanilang mga
gawain at pagbubungkal ng lupa. Nakagawa sila ng palayok mula sa luwad na ginagamit
nila para lutuan at imbakan ng pagkain. Naging pirmihan na rin ang kanilang mga
tahanan, nakapagtatag sila ng mga pamayanan, at dumating ang panahon ay nagkaroon
sila ng mga pinuno at pamahalaan. Isang halimbawa ng neolitikong pamayanang ito ay
ang "Catal Huyuk" na matatagpuan sa Anatolia Turkey.