Paleolitiko at Neolitiko Pag-aaral ng Prehistory: isang larangang pinatutulungang buuin ng mga arkeologo at mga sientista mula sa ibat-ibang disiplina.
Biology- pag-aaral ng buhay na organismo.
Botany- pag-aaral ng mga halaman Zoology- pag-aaral ng mga Hayop Paleontology- pag-aaral ng fossil Sapientization- ang mga pagbabagong naganap sa aspektong biyolohikal ng mga tao hanggang sa pagkakamit ng katalinuhang naghihiwalay sa kanya sa mga hayop. Archeology- ay isang sangay ng agham na nag aaral ukol sa kultura at pamumuhay ng sinaunang tao sa pamamagitan ng paghuhukay at pagsusuri ng mga artifact at mga labi o remains. Dalawang mahahalagang proseso sa panahong prehistoriko
Pangunahin dito ay ang ebolusyon o ang mga
pagbabagong nagganap nsa aspetong biyolohikal ng tao hanggang sa pagkamit ng katalinuhang naghihiwalay sa kanya sa mga hayop. Ito rin ay tinatawag na Sapientization.
Pagkakaroon ng kasalukuyang uri ng tao ng
kakayahyan na makagawa o makalikha ng mga bagay. Mga Kagamitan upang matukoy ang pangyayari sa nakaraang panahon. Dokumentong Historikal at mga kagamitang batid ng panahon- tinatayang panahon ay mula 3000 B.C.E. hanggang sa kasalukuyan sa ilang mga lugar. Ito ay pangkaraniwang pamamaraan ng pagpepetsa. › Bibliya › Cuneiforms Dendrochronology o Tree-ring Dating- tinatayang panahon ay mula sa 500 B.C.E.hanggang sa kasalukuyan. Ito ay isang siyentipikong pamamaraang ginagamit upang matukoy ang gulang o edad ng isang puno. Radiocarbon Dating- tinatayang panahon ay mula sa 40,000 B.P. o higit pa hanggang 1500 B.C.E. Ito ay naimbento ni J.R.Arnold at W.F.Libby noong 1949. Sinusuri ang mga isotope carbon-14 upang matukoy ang edad ng mga materyales na may carbon o carbonaceous materials. Potassium-Argon Dating- tinatang panahon ay mula 4.5.milyon B.P. o mas maaga pa hanggang 50,000 B.P. ito ay ginagamit upang tukyin kung gaano na katagal ang mga sinaunang depositong mineral o mineral deposits. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa potassium isotope napepetsahan ang mga kagamitan o labi sa Panahong Paleolitiko. Panahong Paleolitiko Panahon ng Lumang Bato (Old stone Age) Mula sa Greek word na “Paleos”o “matanda” at “Lithos” o “Bato” Pleistocene- pinakamaagang bahagi ng Panahong Bato at pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan. Marahil ang pinakamahalagang katangian ng panahong ito ay ang pagbabagong-anyo ng tao mula sa pagiging isang malabakulaw na nilalang hanggang sa pagiging isang Homo Sapiens. Lower Paleolithic Period Panahon ng pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig simula nang maitala sa arkeolohiya ang kanyang pamumuhay. Ang panahong ito ay natapos noong 120,000 B.P. sa pagdating ng Middle Paleolithic Period.
Kasangkapang Olduvan o Olduwan
Middle Paleolithic Period Panahon ito kung kailan higit pang nakontrol ng mga unang hominid ang kanilang kapaligiran. Nasaksihan din ang paglitaw ng makabagong tao noong 100,000 B.P. Pangunahing pinagmulan ng kanilang pagkain ay pangangaso. Sinusubukan din nilang kumain ng shellfish. Pinasimulan na din ang pag preserbasyon ng mga karne sa pamamagitan ng pagpapausok at pagpapatuyo nito. Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pamamagitan ng pagpipinta sa kanilang mga katawan at ilang mga pagguhit sa bato. Nagkaroon na rin ng paglilibing ngh mga patay na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng mga kaparaanang relohiyoso at ritwal noon pa mang sinaunang panahon. Kabilang sa panahong ito ang kulturang Mousterian na kadalasang iniuugnay sa mga taong Neanderthal Upper Paleolithic Period
Saklaw nito ang panahon mula 40,00 at 8,500 B.P.
Ang makabagong tao na lumisan ng Africa noong Middle Paleolithic Period ay nagsimulang bumuo ng kanilang sariling kulturang panrelihiyon sa mga panahong ito. Nagkaroon na rin ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite at kadalasan itong matatagpuanj sa mga lambak. Isang patunay nag pagiging artistiko ng mga taong nabuhay sa Upper Paleolithic Period ay ang kanilang mga nalikhang Venus Figure na sumisimbolo sa kakayahang magkaanak. Mga kultura: Aurignacian- gumawa ng mga kagamitang bato na tinapyas. Gravettian- kinilala ang kulturang ito sa kagamitang bato na may maliliit at matutulis na talim. Perigordian- sila ay gumawa ng mga kutsilyong bato kung saan tanging ang isang bahagi lamang ang matalim tulad ng kasalukuyang kutsilyo. Solutrean-sila ay nagtungo sa Europe mula sa silangan at pinalitan ang mga naunag nanirahan dito. Magdalenian- isang pamayanan ng mga mangingisda at mangangaso ng mga reindeer. Ang kanilang mga kasangkapan ay mas pino kung ihahambing sa mga mas nauna sa kanila. Ang kanilang mga pinipinta at ginuguhitr sa mga yungib ay lubhang kahanga-hanga tulad ng mga ginawa ng mga taong Cro-Magnon. Panahong Neolitiko Ito ang huling bahagi ng Panahong Bato. Ito ay hango sa mga salitang Greek na “Neos” o “Bago” at “Lithos” o “Bato”. Ang terminong neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa pamumuhay at teknolohiya. Katangian ng panahong ito ang paggamit ng iba’t-ibang makinis na kasangkapang bato, pagkakaroon ng permanenteng paninirahan ng tao sa mga pamayanan, pagtatanim at pag-aalaga ng hayop, at pagkakaroon ng mga kasanayan sa paggawa ng palayok at paghahabi. Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong Neolitiko o sistematikong pagtatanim.ito ay nagbigay-daan sa permanenteng paninirahan sa isang lugar upang alagaan ang mga pananim.