1. Emilio Aguinaldo
Manuel L. Quezon
Unang Pangulo ng Pilipinas
Ikalawang Pangulo ng Pilipinas
Emilio Aguinaldo y Famy
Pangulo ng Unang Republika
Manuel Luis Quezon y Molina
Unang Presidente ng Commonwealth
Naging ikalawang Pangulo ng Pilipinas noong
Nobyembre 15, 1935 hanggang Agosto 1, 1944.
Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa
lalawigan ng Tayabas noong Agosto 19, 1878.
Kapwa mga guro ang kaniyang mga magulang na
sina Lucio Quezon at Ma. Dolores Molina. Nakiisa
siya sa pakikibaka laban sa kastila noong siya ay
binata pa.
Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899
hanggang Abril 1, 1901. Isang tanyag na heneral na
nagsusulong ng kasarinlan ng bansa at namuno ng
maraming pag-aalsa laban sa Espana kasama ang
nabigong rebolusyong noong 1896.
2. José P. Laurel
Sergio Osmena
Ikatlong Pangulo ng Pilipinas
Ikaapat na Pangulo ng Pilipinas
José Paciano Laurel y García
Pangulo ng Ikalawang Republika
Sergio Osmeña y Suico
Ikalawang Pangulo ng Commonwealth
Naging pangulo ng bansa noong Oktubre 14, 1943
hanggang Agosto 17, 1945. Siya ay naging pangulo
matapos italaga ng Hapones sa ilalim ng kanilang
pananakop. Matapos ang digmaan, siya ay nahalal
na Senador ng Ikatlong Republika
Naging pangulo noong Agosto 1, 1944 hanggang
Mayo 28, 1946. Bago naging pangulo, siya ay
nahirang na bise-presidente noong 1935. Kasama
siya nang bumalik si Heneral MacArthur sa
Pilipinas at nagsumikap na muling maibangon ang
bansa sa pinsala ng digmaang nagdaan.
3. Manuel Roxas
Elpidio Quirino
Ikalimang Pangulo ng Pilipinas
Ikaanim na Pangulo ng Pilipinas
Manuel Acuña Roxas
Ikatlong Pangulo ng Commonwealth
Unang Pangulo ng Ikatlong Republika
Elpidio Rivera Quirino
Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
Naging pangulo ng Republika noong Mayo 28, 1946
hanggang Abril 15, 1948. Nagtapos siya ng
abogasya sa UP at naging topnotcher siya sa Bar
Exam noong 1912.
Naging pangulo ng republika mula Abril 17, 1948
hanggang Disyembre 30, 1953. Pagkatapos ng
digmaan, siya ay nahalal bilang bise presidente
noong 1946 at nahirang na kapalit ng Pangulong
Roxas matapos itong pumanaw noong 1948.
4. Ramon Magsaysay
Carlos P. Garcia
Ikapitong Presidente ng Pilipinas
Ikawalong Pangulo ng Pilipinas
Ramon del Fierro Magsaysay
Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika
Carlos Polistico Garcia
Ikaapat na Pangulo ng Ikatlong Republika
Naging pangulo ng bansa mula Disyembre 30, 1953
hanggang Marso 17, 1957. Hinirang na
"Tagapagligtas ng Demokrasya" sapagkat pinigilan
niya ang paghihimagsik ng Huk. Nagpamahagi rin
siya ng mga lupain sa mga magsasaka. Siya ay
pumanaw nang bumagsak ang kanyang eroplano
sa Cebu noong Marso 17, 1957 sa edad na 49.
Naging pangulo mula Marso 18, 1957 hanggang
Disyembre 30, 1961. Humalili kay Pangulong
Magsaysay matapos itong masawi. Siya ang
nagpasimula ng katawagang "Pilipino Muna" bilang
simbolo ng pagiging makabayan.
5. Diosdado Macapagal
Ferdinand Marcos
Ikasiyam na Pangulo ng Pilipinas
Ikasampung Pangulo ng Pilipinas
Diosdado Pangan Macapagal
Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika
Unang Pangulo ng Ikaapat na Republika
Naging pangulo mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero
Naging pangulo mula Disyembre 30, 1961
hanggang Disyembre 30, 1965. Kilala bilang "poor
boy from Lubao" dahil siya ay lumaki sa kahirapan.
Siya ay naging tanyag dahil sa paglulunsad ng
Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan.
25, 1986. Marami siyang naipagawang mga importanteng
imprastaktura sa kaniyang termino. Noong Setyembre 21,
1972, siya ay nagpatupad ng Batas Millitar sa bansa dahil sa
kaguluhan tulad ng pambobomba sa Plaza Miranda at paninira
sa ilang pribado at pampublikong ari-arian. Pinakulong niya
ang mga bumabatikos sa kaniyang pamamahala kasama na
ang mahigpit na karibal sa pulitika na si Benigno 'Ninoy'
Aquino Jr.
6. Corazon Aquino
Ikalabing-isang Pangulo ng
Pilipinas
María Corazón Cojuangco-Aquino
Ikalawang Pangulo ng Ikaapat na Republika
Unang Pangulo ng Ikalimang Republika
Kauna-unahang babaeng presidente ng bansa mula
Pebrero 25, 1986 hanggang Marso 25, 1986. Tinaguriang
"Ina ng Demokrasya" dahil sa pagiging instrumento sa
panunumbalik ng demokrasya sa bansa. Siya ay naluklok sa
pamamagitan ng mapayapang "People Power Revolution".
Fidel V. Ramos
Ikalabindalawang Pangulo ng
Pilipinas
Fidel Valdez Ramos
Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
Naging pangulo noong Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30,
1998. Sa ilalim ng kaniyang panunungkulan, nagtamasa ng
paglago ang ekonomiya dahil sa mga repormang ipinatupad
at napabuti ang imahe ng Pilipinas sa internasyunal na
larangan. Subalit hindi rin nagtagal ang pag-unlad matapos
na makasama ang bansa sa pagbulusok matapos na
madamay sa "krisis pampinansyal' ng mga karatig bansa sa
Timog Silangang Asya noong 1997.
7. Joseph Ejercito Estrada
Gloria Macapagal Arroyo
Ikalabintatlong Pangulo ng Pilipinas
Ikalabing-apat na Pangulo ng
Pilipinas
Joseph Ejercito Estrada
Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika
Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998
hanggang Enero 20, 2001. Kilala din siya sa tawag
na 'Erap', isang popular na aktor at pulitiko.
Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika bilang
alkalde ng San Juan sa Kalakhang Maynila. Noong
Enero 2001, iniwan niya ang pwesto ng pagkapangulo ng bansa dahil sa mga alegasyon ng
korapsiyon.
Maria Gloria Macapagal-Arroyo
Ikaapat na Pangulo ng Ikalimang Republika
Naging pangulo ng Pilipinas mula Enero 20, 2001
hanggang Hunyo 30, 2010. Siya ay anak ni Pangulong
Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks at
nanilbihan sa pamahalaan noong 1987 bilang
pangalawang kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at
Industriya nang italaga siya ni Pangulong Corazon
Aquino. Siya ay naging senador (1992-1998) at
8. pagkatapos ay naging Pangalawang Pangulo ng bansa.
Naging Pangulo siya ng bansa matapos na iwanan ni
Presidente Estrada ang pwesto noong 2001.
Benigno S. Aquino III
Ikalabinlimang Pangulo ng Pilipinas
Benigno Simeon Cojuangco Aquino III
Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika
Ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas at mas
kilala sa tawag na "P-Noy" o Pangulong Noynoy.
Nahalal noong Hunyo 30, 2010. Siya ay ang nagiisang anak na lalaki nina dating Senador Benigno
Aquino Jr. at Pangulong Corazon Aquino.