Ang kaibahan sa AdSense.

Noong 2015, halos $10B ang ibinayad namin sa aming mga publisher. Ganyan kalakas ang AdSense.

Mga ad na pinakikinabangan mo

Alamin ang kaibahang dala ng mga ad na may mataas na kalidad.

Sinusuri ang mga ad — kabilang ang text, display, rich media at higit pa — upang matiyak na pampamilya ang content at naaangkop para sa isang audience na tulad ng sa iyo.

Tingnan ang lahat ng uri ng ad

Maraming nangangailangan ng espasyo mo

Palaging nagbi-bid para sa espasyo ng ad ang mga advertiser.

Higit sa isang milyong advertiser ang nag-aagawan para sa espasyo ng ad. Nangangahulugan iyon ng mas malaking pera, mas may kaugnayang mga ad at mas maraming punong espasyo ng ad.

Ikaw ang may kontrol sa hitsura

Ikaw ang bahala sa mga ad na lalabas.

I-block ang mga ad na hindi mo gusto, piliin kung saan lalabas ang mga ad at baguhin ang hitsura at dating ng mga text ad upang umangkop sa iyong site. Maaari mo pa ngang kontrolin ang mga kategorya ng mga ad na pinapayagan mo. Sarili mong site. Sarili mong mga batas.

Pang-mobile

Kumonekta sa iyong audience nasaan man sila.

Built-in ang mobile sa AdSense. Awtomatikong umaangkop ang mga tumutugong unit ng ad sa iba't ibang laki ng screen kaya makakapagbigay ka ng isang napakagandang karanasan ng user habang kumikita kapag tiningnan ng mga tao ang iyong site sa isang smartphone o tablet.

Mga custom na insight

Tingnan kung alin ang epektibo at ayusin kung alin ang hindi.

Alamin ang tunay na kalagayan sa pamamagitan ng Mga Ulat sa Performance.

Nakakatulong sa iyo ang mga sukatan ng performance na makita kung saan mapapataas ng mga tamang pagbabago ang mga kita. Maaari mo ring makuha ang iyong mga istatistika on the go gamit ang mobile app ng AdSense.

Magkumpara at matuto sa pamamagitan ng Mga Eksperimento sa AdSense.

Agad na gumawa, magpatakbo at sumuri ng mga A/B na eksperimento nang hindi binabago ang iyong code. Nagbibigay-daan sa iyo ang Mga Eksperimento sa AdSense na ikumpara ang isa sa mga setting ng iyong ad sa isang variation upang malaman kung alin ang nagpe-perform nang mas maganda.

Gumawa ng mas maraming bagay sa pamamagitan ng AdSense

Gamitin ang higit pang mga feature sa pamamagitan ng iyong AdSense account.

Ang Toolbar ng Google Publisher

Tumingin ng napapanahong impormasyon tungkol sa iyong AdSense account habang nagba-browse sa Chrome. Magkaroon ng snapshot ng iyong mga kita at performance ng site mula mismo sa toolbar, pati na rin mga overlay ng ad na nag-aalok ng in-page na pag-uulat at mga kontrol sa pagba-block.

I-install ang toolbar