Kumuha ng trusted na pro, i-boost ang iyong visibility

Kumuha ng trusted na pro, i-boost ang iyong visibility

Watch the film

Link to Youtube Video (visible only when JS is disabled)

Ang mga trusted na pro sa Street View ay:

Icon ng Trusted
  • Mga tatanggap ng trusted badge ng Street View
  • Mga natatanging contributor na may limampung naaprubahan at naka-publish na 360 na larawan
  • Itinatampok sa aming index ng mga for-hire na propesyonal
  • May kakayahang gamitin ang mga asset ng brand na Trusted para sa marketing

Ano'ng dapat asahan sa isang propesyonal

Para sa isang negosyong gustong malantad, makakatulong sa iyo ang isang may karanasang contributor sa Street View na i-boost ang visibility mo at mamukod-tangi sa Google Maps. Pero bago mo ito simulan, mahalagang maunawaan ang magiging tungkulin ng bawat partido sa kasunduang ito.

Mga may-ari ng negosyo

  • Kung kukuha ka ng serbisyo ng pinagkakatiwalaang photographer para kumuha ng mga larawan ng iyong negosyo, pakitandaan na hindi magagarantiya ng Google ang kalidad ng kanyang mga serbisyo.
  • Ang lahat ng pakikipagkasundo kaugnay ng mga tuntunin, serbisyo, at presyo ng photo shoot ay sa pagitan mo at ng photographer.
  • Ang anumang pagbabayad para sa virtual na paglilibot o mga larawan ay dapat ibigay sa pinagkakatiwalaang photographer - walang bayad na mapupunta sa o sa pamamagitan ng Google.
  • Kung magkakaroon ng di-pagkakasundo, kakailanganin mong lutasin ito kasama ng photographer o agency ayon sa mga tuntunin ng inyong kontrata.
  • Kung gusto mong mag-ulat ng isyu sa mga serbisyong iniaalok ng isang pinagkakatiwalaang photographer ng Street View, puwede mo itong gawin sa pamamagitan ng pagsagot sa form na ito.
May-ari ng negosyo sa Google Street View kasama ng isang trusted na propesyonal

Pagkuha ng mga serbisyo ng Street View

Sa pamamagitan ng teknolohiyang Street View ready, puwedeng mag-capture at mag-publish ang mga trusted na pro ng street-level na koleksyon ng imahe para i-update ang Street View sa iyong mga komunidad.

  • Bagama't hindi kumukuha ang Google ng photographer o ahensya, pinapayagan namin ang mga contributor na mag-publish ng up-to-date na koleksyon ng larawan ng mga kalsada sa Street View. Makikita sa aming nakalaang listahan ng for-hire ang mga photographer at ahensyang nagpakita ng kanilang pagkadalubhasa sa pamamagitan ng pag-aambag ng mga kamangha-manghang larawang may mataas na kalidad.
  • Ipinagpapatuloy ng Google ang mga pagsisikap nitong magmaneho sa maraming bansa para bigyan ka ng koleksyon ng imahe na magpapaganda sa karanasan mo at makakatulong sa iyong tuklasin ang mundo sa paligid mo. Tingnan kung saan kami susunod na pupunta para malaman kung malapit na kaming pumunta sa iyong lugar, o makipag-ugnayan sa isang trusted na pro kung gusto mong magkaroon ng bagong koleksyon ng imahe nang mas maaga.
Trusted na propesyonal ng Google Street View na may camera

Maghanap ng trusted na pro sa iyong lugar

Magsimula sa pamamagitan ng paghahanap ng trusted na propesyonal na malapit sa iyo.

Ahensya Lungsod Email Numero sa Pakikipag-ugnayan
Ahensya Lungsod Email Numero sa Pakikipag-ugnayan

*Ang trusted program ng Street View ay pansamantalang sarado para sa mga bagong pag-enroll.